Thursday , December 12 2024

Habang binabayo ng bagyong Nona ang Sorsogon, nasaan si Chiz!?

chiz escuderoLUNES pa nanalasa ang bagyong Nona sa Sorsogon at sa mga karatig lalawigan na nakaharap sa Pacific Ocean, pero hanggang ngayon ay wala pa rin means of communication sa Sorsogon at sa Laoang Northern Samar.

Walang koryente at walang signal kaya ang lahat ng mga nasa Metro Manila o sa ibang lalawigan ay walang balita kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kamag-anak sa nasabing mga lugar.

Sa Laoang (Northern Samar), kauna-unawang matagalan ang pagkakaroon ng signal at koryente dahil ito ay isang isla. Kahit ang media men ay nitong Huwebes lamang nakatawid patungong Laoang.

Pero sa kaso ng Sorsogon, nakapagtataka ang local officials sa nasabing lalawigan dahil napakabagal makapangalap ng developments. Marahil, ang local officials ay biktima rin ng bagyong Nona?!

Pero ang higit na nakapanghihinayang, mayroong isang Sorsogueñong senador na mukhang hindi nagamit ang kamandag ng kanyang kapangyarihan para mailigtas ang kanyang mga kababayan o kaya ay mapabilis ang komunikasyon at pagpapadala ng tulong sa nasabing lugar?

Sa buong Bicolandia, tanging Sorsogon lamang ang nagkaroon ng casualty. Sa huling bilang ay umabot na ito sa apat katao.

Sa Albay, agad iniutos ni Gov. Joey Salceda ang paglikas ng kanyang mga kababayan lalo na yaong mga naninirahan sa mga delikadong lugar.

Kaya naman huwag na kayong magtaka kung bakit wala silang casualty.

Sa kasalukuyan, mayroong immediate na pangangailangan na maitayo, kahit ang pansamantalang masisilungan lamang ng mga biktima ni Nona, habang hinihintay ang tulong ng gobyerno. (Anong petsa na?!)

Kung kikilos si Chiz, magiging madali para sa kanyang mga kababayan na makapagtayo ng kahit pansamantalang masisilungan at agad mapadalhan ng relief goods.

Pero, kumilos ba si Chiz?

Nauna pang dumating ang tulong mula sa mga pribadong kompanya gaya ng isang TV network kaysa tulong mula sa Sorsogueñong si Chiz.    

Buti pa ang bagyong si Nona, binalik-balikan ang Sorsogon, at tila ayaw pang iwanan, dahil niyakap ang mga bahay at tinangay na parang gusto niyang isama kung saan…

Pero si Senator Chiz na minsang sinabi na ang Sorsogon ay lalawigang kanyang pinagmulan at ginawa niyang ‘apakan’ at ‘tuntungan’ para makapasok sa politika, ay ni hindi nagawang sumilip man lamang!?

Busy-bisihan ba si vice presidentiable Chiz!?

Sa panahon na nangangaligkig sa lamig at walang masilungan ang mga taga-Sorsogon na sinalanta ng malalakas na hangin at mabibigat na ulan dala ni Nona, ano kaya ang ginagawa ni Chiz?

Sabi nga, kapag taglamig o tag-ulan, mas ‘masarap sumimsim ng mabangong bulaklak’ o kaya ay ‘sumimsim ng paboritong alak.’

Alin kaya sa dalawa ang ginawa ng Sorsogueñong senador habang ang kanyang mga kababayan ay nagbibilang kung ilan ang nasawi at nawala; ilang bahay ang nawasak; ilang sanggol, bata, babaeng nagsilang ng anak, o matatanda ang walang matutulugan at walang maibalabal sa mga katawan nilang basang-basa sa ulan?

Sumimsim ng mabangong bulaklak o sumimsim ng alak?

Kaawa-awang Sorsogon… tsk tsk tsk!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *