Tuesday , December 5 2023

Dagdag suweldo sa gov’t employees patuloy na ipinaglalaban ni Sen. Sonny Trillanes

00 Bulabugin jerry yap jsyPATULOY ang pagsisikap ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisabatas angSenate Bill No. 2671 o ang Salary Standardization Law 4.

Sabi niya, “Ito ang gusto nating iwang regalo ni President Aquino sa mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga guro, pulis at sundalo,  na walang humpay ang pagtulong sa kaniya upang makamit ang mga reporma para sa ating pamahalaan.”

Sa ilalim ng panukala, isasaayos ang kasulukuyang base pay schedule at mga posisyon ng lahat ng kawani sa gobyerno. Ang may pinakamababang posisyon ay magsisimula sa Salary Grade 1, at ang pinakamataas naman, ang Presidente, ay Salary 33.

Ang pagsasaayos ng mga posisyon at salary grade ay nakabatay sa kakayahan, uri ng trabaho, at responsibilidad na nakaatang sa isang posisyon.

Sa isinaayos na salary scale, ang suweldo ng pinakamababang empleyado ng gobyerno ay magiging P16,000, mula sa kasalukuyang P9,000  na natatanggap.

Para naman sa mga sundalo, ang base pay ng isang candidate soldier ay aabot sa P23,000 at P550,000 naman para sa four-star general.

Ayon kay Trillanes ang SSL 4 ay isang magandang panukala na sumusuporta sa pamahalaan laban sa korupsiyon.

Dahil sa mas mataas na pasahod, ang mga kawani ng gobyerno ay maiiwasan nang gumawa ng mga ilegal na gawain para lang madagdagan ang kakarampot na kinikita nila.

Kung sapat ang kanilang kinikita, itutuon nila ang kanilang panahon at enerhiya sa maayos na pagsisilbi sa publiko at makatutulong nang malaki sa pagkakaroon nang mas maayos na pamamahala.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization, naniniwala si Senator Trillanes na ang mga kawani ng gobyerno ang nagsisilbing unang mukha ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sila ang sandigan ng mabuting pamamahala at administrasyon sa bansa kaya naman mahalaga na masiguro ng ating gobyerno na nabibigyang-pansin ang kanilang mga pangangailangan.

Umaasa si Senador Trillanes na ang SBN 2671 kanyang inisponsor sa plenaryo ng Senado at kasulukuyang nakabinbin sa Ikalawang Pagbasa ay maaaprubahan bago matapos ang termino ni PNoy.

Senator Trillanes, Sir, hindi lang ikaw ang naghihintay, ipinagdarasal ng mga government employees na magtagumpay ang pagsusulong mo ng SBN 2671…

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na sila sa inyo dahil nakita nila ang iyong TUNAY na malasakit sa public sector…

Mabuhay ka Senator Trillanes!

Kolek-tong pa-more sa Region 4-A (Attn: Gen. Richard Albano)

MUKHANG happy at wala namang angal si Gen. Richard Albano sa sinasabing pangongo-lektong ng mga nagpapakilalang enkargado sa Calarbazon. Pinalitan na pala ng isang alyas ASUNCION y PILANTOD ang overall kolektong sa Region 4.

Ibig sabihin tinigbak na sa pangkabuhayan ang isang alyas Kernel Yari  at ang ipinalit nga ‘e si  Asungot ‘este Asuncion o kung minsan ay tinatawag din na alyas “Double Black.”

Sa buong Batangas, FYI Gen. Albano ay nariyan ang grupo ng isang alias BAKORDO bilang overall kolek-tong sa Batangas.

Sinabing sina alias WILL MALIGAYA, TONI VILYAKUARTA, SARHENTONG RAY at GREG ang kanyang mga taga-ikot sa buong Batangas.

At lahat ng ‘parating’ ay ini-entrega sa isang alyas BANONG naman?!

What the fact!?

Gen. Richard Albano, kilala mo ba si alyas BANONG na ipinangongolektong ang teritoryo mo!?

Ay sus!

Belated Happy Birthday Sen. Sonny Trillanes

Hindi na rin po natin palalampasin ang pagkakataong ito na batiin ang magiting na Senador…

Huli man daw at magaling… huli pa rin… hehehehe.

Belated happy birthday, Senator Trillanes! Here’s wishing you more success and more blessings and of course much luck on your future endeavours.

Again, HAPPY BIRTHDAY, Senator Trillanes!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ …

Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc ‘nabudol’ ni Tambaloslos

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang Makabayan bloc kung inaakalang ang kanilang ginawang pangangalampag sa Kongreso …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

LTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAPAT papurihan si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor …

Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *