Tuesday , October 8 2024

Kapag Poe-Chiz ang nagtambal, papaano si Roxas?

CRIME BUSTER LOGOHINDI imposibleng mangyari ang ganitong scenario sa larangan ng pulitika.

Sa larangan ng pulitika, walang tunay na magkaibigan, magkamag-anak. Napakadalang ang nagiging makatotohanan.

Sina pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at SILG Sec. Mar Roxas, pinatunayan nila ang “Blood compact.” Pinatunayan ng dalawa ang katagang “Ako muna, bukas ikaw na.”

Noong 2010 presidential elections ay nag-giveway si Sec. Roxas sa kanyang kaibigang si PNoy nang ang anak ni Tita Cory Aquino ay mag-decision na tumakbo sa pagka-pangulo ng Republika Ng Pilipinas. Nanalo sa halalan si PNoy. Natalo naman sa pagka-bise presidente si Roxas.

Ang nakakatakot ay kung sina Senador Grace Poe at Senator Chiz Escudero ay mag-desisyong kumandidato sa presidential election sa May 2016.

Si Poe ang presidente, si Escudero ang bise presidente.

Ang tanong, saan pupulutin ang manok ni PNoy (Roxas) kung ang aking pananaw ay biglang magkatotoo???

Kung magkakatoo ang aking nararamdaman, malamang hikbi at luha na naman ang papatak sa mata ni Roxas.Sana hindi mangyari ang ganitong political swist???

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nakukuhang ka-running si Roxas.

Last week, idineklara ni PNoy sa bulwagang Club Pilipino sa Greenhills sa San Juan, Metro Manila ang candidacy ni SILG Roxas sa ilalim ng Liberal Party (LP).

Feel na feel ni VP Binay ang maging pangulo

SA sariling version ng SONA na ginawa ni Vice President Jojo Binay sa Cavite, halatang-halata na feel na feel na niyang maging pangulo ng Republika Ng Pilipinas.

Halatang-halata rin na ang kanyang paniniwawala ay siya na ang mananalo sa presidential elections sa 2016.

Kapag nagbalik si Mayor Binay?

KAPAG natapos ni Mayor Junjun Binay ang ipinataw na six months suspension sa kanya ng Office of the Ombudsman at siya ay nakabalik sa gusali ng Makati City Hall, aba eh magbalot-balot na si acting Mayor Pena.

Kay Mayor Calixto nakasuporta si Coun. Moti

KAHAPON ay nakausap ko sa celphone si incumbent councilor Regino “MOTI” Arceo ng ikalawang distrito ng Pasay City.

Naitanong ko sa kanya kung ano ang balak ni last termer konsehal Richard Advincula at vice Mayor Marlon Pesebre sa darating na local na halalan.

Ang sagot sa akin ni Konsehal Moti, malabo pa ang dalawa kung highest position sa Pasay ang kanilang tatakbuhin. Political budget daw ang problema.

Sa aming huling pag-uusap, kay Mayor Tony Calixto pa rin siya nakasuporta. Wise decision konsi.

Mga padaplis lang!!! Neimbudo ang CIDG-NCR

HAWAK pa rin daw ni Noy, alias Bermudo ang palabigasan sa CIDG-NCR. Si Mike Biscotho ang mas nakakaalam.

Gambling den sa Lucban, Quezon

MALAYO na raw ang narrating ng mag-among Boknoy at aling Babes Panganiban sa larangan ng perya de sugalan.

Pati ang bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon, nalagyan nila ng mga lamesa ng color games at iba pang uri ng sugal. Ano kaya ang ginagawa ng PD sa lalawigan ng Quezon???

Vices sa Pampanga

SA lalawigan ng Pampanga ay nagkalat ang mga peryahan na may halong sugal na color games, beto-beto, dropballs at iba pang uri ng devil na sugal.

Ang mga pergalan sa Pampanga ay mini-maintain nina Nardo Putik, Rading ng Arayat, Lowi Lopez, Jun Bicol at Boy Lim. Pampanga provincial police director P/Supt. Rodolfo Recomono, legal na ba ang 1602 sa Pampanga???

About Mario Alcala

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *