Thursday , August 18 2022

Anino ni [email protected]”Motor” sa PNP-Camp Karingal

MADALAS daw makita o matanaw ang anino ng gambling lord na si Lito, alias “Motor” sa compound ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Karingal sa Quezon City.

Ano kaya ang ginagawa niya sa nasabing kampo?

Dinadalaw kaya niya ang tanggapan ng isang PNP-official sa Camp Karingal, ang QCPD-DSOU?

Ang nasabing tanggapan ang madalas daw ngayon i-namedrop ng gambling lotteng bookies lord na si Lito, a.k.a  “Motor” de 1602.

Para sa kaalaman ni CPNP director general Ronald “Bato” dela Rosa at QCPD-OIC, Senior Superintendent Eleazar, isa lamang si Lito, alias “Motor” sa buong Quezon City na tinaguriang “King” ng mga sugal de numero na pa-lotteng bookies. May pasingit pang jueteng ang mama.

Hindi lamang ang mama ang hari ng illegal numbers game sa area ng Quezon City Police District. May hari ng video karera, hari ng sakla, hari ng illegal terminal, hari ng mga sauna bath de prostitutions.

Paki-check ang gusali ng isang spa kuno na nasa bahagi ng E. Rodriguez Avenue.

May follow up pa!

SONA SA PASAY CITY

NASA 40 katao ang inaresto ng anti-illegal group ng PNP-NCRPO sa Macopa at F. Victor streets sa Pasay City kamakalawa ng hapon (Sept. 6), dahil sa illegal drugs at sugal na cara y cruz.

Naku po!!!

Ano ang ginagawa ng barangay chairman sa nasabing kalye? Mga tulog!

MGA PAHAGING!!!

1602 SA R-3-CAVITE

SA malaking rehiyon ng Central Luzon sa area ng Police Regional Office 3, si Rmundo Magkalas ang bagong hari at kausap ng mga capitalista de 1602.

Sa lalawigan ng Cavite, isang major Ikaw at ang ipinagyayabang daw ni Lando, alias “Bulag” para makakolekta ng weekly payola sa gambling lords sa nasabing probinsiya.

Ginagamit daw ni Lando, Bulag ang command ng Cavite-PNP sa Imus. Si SPObox Reyes ang bagman de pitsa.

Teka dahil matagal nang closed ang pergalan ni Egay, ang kina Manny at Kap. Sonny ang open sa lalawigan ng Cavite. Iyan ay matatagpuan sa harap ng Zeus sa Binakayan, Kawit; Malabon, Gen, Trias; barangay Kiskisan sa Tanza, barangay Tejero (beside Robinson place), Gen. Trias at ang kay Boknoy sa GMA, Cavite.

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mr. Fast and Furious

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINIKAYAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga pamahalaang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Dapat may makasuhan sa Sugar Order #4

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAGBITIW na si Department of Agriculture Mr. Leocadio Sebastian sa kanyang …

Dragon Lady Amor Virata

Live selling sa Facebook bawal na!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIMULA sa 1Oktubre ng taong kasalukuyan, aalisin na at …

Sipat Mat Vicencio

Si FPJ at ‘Ang Probinsyano’

SIPATni Mat Vicencio SA DARATING na Sabado, Agosto 20, ipagdiriwang ang ika-83 birth anniversary ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

Leave a Reply