Wednesday , September 11 2024

Show ni Willie, 30 mins. na lang daw (Para magkaroon ng ratings…)

060315 willie revillame
NGAYONG wala na ang TV show ni Willie Revillamematapos  ang tatlong buwan, marami ang nagsasabing baka nga hindi solusyon ang 30 minutes daily sa kanilang problema. Maliwanag naman na ang talagang problema ay hindi iyon naka-angat sa ratings at hindi rin nakakuha ng sapat na advertising support. In the meantime ang lahat ng gastos sa production ay sagot ni Willie dahil siya ang producer, pati na ang maintenance ng ipinagawa niyang studio para sa kanyang show at nagbabayad pa siya ng P2-M para sa air time ng kanyang programa.

Kaya nga sinasabi nila, madamdamin ang pagkakasabi ni Willie sa isang awards night kamakailan na ”basta wala ka ng ratings hindi ka na bida.”

Kung natatandaan ninyo, noong kasagsagan pa ngWowowee bilang isang noontime show, ang atensiyon ng lahat ay nakay Willie. Hindi man sinasabing tinalo niya noon ang kanyang kalaban, hindi naman maikakaila na magkadikit lamang ang kanilang ratings. At dahil mas marami ngang provincial stations ang ABS-CBN, kaya pinaniniwalang mas malaki ang kanyang audience share. Iyong mga advertiser niyon talagang ginagawa ang lahat para makapasok sa kanyang show.

Noong malipat siya sa ibang network, medyo mahina nga dahil ang reach sa probinsiya ay hindi masyado, at mahina rin naman ang signal maging sa Metro Manila , naapektuhan na siya. Pero at least ang iniintindi lamang naman niya ay ang show content, dahil network produced pa rin naman iyon. Bale line producer lang siya. Wala pa siyang binabayarang airtime.

Noong hindi na sila magkasundo ng dating network dahil ang feeling niya dapat dagdagan naman siya ng talent fee dahil sa kanyang effort, nawala ang show. Para mabalik, hindi lamang siya ang financier at producer ng show, blocktimer pa siya. Siya ang nagbabayad sa network para sa airtime. Iyan ang malaking problema ni Willie.

Kung papasok siya sa 30 minutes daily, bitin siya roon dahil sanay siya ng mahaba ang show. Ilang games lang ang maaaring ipasok doon? Ilang commercials lang ang maaaring mai-load? Gaano kalaki ang cost of airtime ng isang daily show? Dapat mag-isip mabuti si Willie.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Paolo Contis Dear Santa

Paolo Contis nalungkot sa desisyon ng MTRCB, Dear Santa ‘di na maipalalabas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DISAPPOINTED si Paolo Contis sa pinal na desisyon ng Movie and Television Review …

Mike Magat

Mike Magat gustong maidirehe si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales FULL TIME na sa pagiging direktor ang aktor na si Mike …

Ken Chan

Ken Chan nabulabog ipinanghihingi ng pera

MA at PAni Rommel Placente NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa …

Ariel Rivera

Ariel Rivera ‘ginamit’ sa modus, nanghingi ng pera sa mga kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebookaccount na kapareho …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek masaya sa kompletong pamilya kasama si Ellen

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *