Thursday , October 3 2024

Bakit kailangan mong magsinungaling Bisor Rodrigo “Rico” Pedrealba!?

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI nasaktan ang inyong lingkod, nang mayroong ilang tao na nakilala natin sa maikling panahon, itinuring nating kaibigan, inalalayan, tinulungang makahakbang at makaakyat, pero biglang nagbago ang pakikitungo sa atin, lumabas ang tunay na kulay, at sa madaling salita ay sinuklian tayo ng kawalanghiyaan at katraydoran…

Hindi po tayo nasaktan diyan, ang katuwiran lang natin, “Diyos na ang bahala sa kanya, dahil naniniwala tayo na ang gawang mabuti ay hindi naghihintay ng kapalit na kabutihan pero lalong hindi ng sukling kawalanghiyaan.”  

Medyo nalungkot at nadesmaya lang tayo sa natuklasan natin kamakailan lang, nang malaman natin na ‘nagsinungaling’ ang isang pinaniniwalaan nating kaibigan.

Natuklasan natin ito nang mabasa natin ang Counter Affidavit ng isang police chief inspector na kasama sa mga kinasuhan natin dahil sa ginawang pag-aresto sa akin noong Abril 5, Easter Sunday, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahil sa kasong LIBEL.

For brief background, ‘yun na nga po, dumating kami ng aking pamilya from a holiday abroad last April 5, which was an Easter Sunday, sa NAIA Terminal 1.

Siyempre pagod tayo sa ilang oras na biyahe bukod pa sa ilang araw na pamamasyal pero sabi nga happy because we spent precious and quality time with my family.  

Para sorpresahin lang tayo ng isang ‘illegal arrest’ dahil sa kasong libel na inihain laban sa atin ng isang Manila police official.

Kung tutuusin, p‘wede naman pumalag at tumutol ang inyong lingkod dahil intendido tayo na ilegal ang iwinawasiwas sa ating pag-aresto, pero hindi natin ginawa bilang respeto sa awtoridad. 

Inaasahan kasi ng inyong lingkod na kapag naipaliwanag ng abogado sa kanila na mali ang pag-aresto sa isang mamamahayag sa araw ng linggo (lalo na’t Easter Sunday around 2pm) dahil sa kasong libelo ‘e ire-release nila agad ako.

Pero kasama na po iyon sa ‘makasaysayang’ maling akala dahil hindi nila ini-release ang inyong lingkod  hangga’t hindi nakapagpipiyansa.

Mabuti na lamang at pinayuhan ako ng aking abogado na magpa-emergency  sa ospital nang gabing iyon dahil nagso-shoot up na ang aking blood pressure at sugar level kaya kahit paano ay naging maayos ang health condition ko sa ER ng isang ospital.

Sa totoo lang, habang nasa ER ako, nakaramdam ako ng pag-aalala at pagkatakot hindi para sa aking sarili kundi para sa iba pang mamamahayag na walang kakayahang kumuha agad ng abogado at makapagpiyansa nang mabilis.

Kung sa inyong lingkod, na dating Pangulo ng National Press Club (NPC) ay nagawa ang ganoong klase ng paglabag sa ating karapatang pantao at harassment, paano pa kaya sa isang pangkaraniwang mamamahayag?

Tahasan din itong paglabag sa memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng DILG, PNP at NPC.

Anyway, sabi ko nga ay maitatala na ang karanasang iyon sa ‘makasaysayang’ maling akala. 

Dahil nagawa na naman natin ang mga inaakala nating tamang hakbang gaya ng pagsasampa ng reklamo sa Ombudsman, hinayaan na nating gumulong ang katarungan.

Pero nitong nakaraang linggo, muling kumirot ang naghihilom na sanang sugat sa ating dibdib nang mabasa natin ang counter affidavit ni S/Insp. Edgardo Rivera.

Sa pamamagitan kasi ng nasabing counter-affidavit, napatunayan natin na nagSINUNGALING sa atin ang itinuring nating kaibigan na si Immigration Duty Supervisor Rodrigo Pedrealba.

Dalawang araw matapos tayong arestohin, tinawagan natin si Mr. Pedrealba, dahil nalaman natin na siya pala ang duty supervisor nang arestohin tayo at gusto ko lang alamin kung bakit hindi ko siya nakita noong oras na ‘yun sa Immigration arrival area.

Pero ang sagot niya sa akin, WALA raw siya roon at HINDI siya naka-duty. Itinuro pa ang nauna sa kanyang duty supervisor dahil late na raw siya pumasok.

Nagulat pa umano siya nang mabalitaan niya late in the afternoon ang nangyari sa akin.

Anyway, napagtagumpayan naman ni Mr. Pedrealba na mapapaniwala tayo at hindi ko siya pinag-isipang pinaiikot lang ako hanggang mabasa na nga natin ang counter affidavit ni Capt. Rivera.

Sa ikawalong paragraph, isinaad sa counter affidavit: ”That at 1:10 PM of April 5, 2015 We provide a copy of warrant of arrest to Immigration Duty Supervisor Rodrigo Pedrealba of Immigration Office and at around 1:55 PM that date Mr. Jerry S. Yap was arrested by PO2 Terana and PO2 Alfaro after the counter of Immigration Area.”

Sonabagan!!!        

Hindi ba’t maliwanag pa sa sikat ng buwan ‘yang katotohanan na ‘yan?!

Ano ang motibo mo Mr. Pedrealba, at kailangan mong magsinungaling sa akin?!

Masama ba kung aminin mong nakipag-coordinate ang pulis-MPD sa iyo para arestohin ako?!

Doon lubhang sumama ang loob ko at nagduda kay Mr. Pedrealba.

Maraming nagkukuwento sa akin kung ano ang imino-moonlight mo sa Airport, pero ni minsan ba ay tinanong at binanatan kita!?

Hindi lang kuwento kundi madalas ay may nagngunguso pa na aktwal kang nagmo-moonlighting sa NAIA sa mga tsekwa na hila-hila ni Richard “pare pare.”

Wala akong masamang tinapay sa iyo, Mr. Pedrealba, kaya nagtataka talaga ako kung bakit kailangan mong magsinungaling!

Anyway, mabait talaga ang Diyos, lumalabas ang katotohanan kahit sa simpleng pagtatanggol sa kung ano ang tama at mali.

Magkaroon ka sana ng panahon para mag-reflect, Mr. Rico Pedrealba, nang sa gayon ay magkaroon  ka ng pagkakataong tubusin ang iyong sarili sa kasinungalingan!

Kaya huwag mo akong sisihin kung isipin ko ngayon na KAKUTSABA ka ng mga taong nagplano na i-harass at ipahiya ako pagdating ko noon sa airport!

Ano nga ba ang tawag sa mga taong katulad mo?

Hudas ba Mr. Rico ‘boy escort’ Pedrealba!?

MPD PS-3 D. Jose outpost/Alvarez PCP nganga!? (Sa talamak na holdapan)

Nananawagan tayo kay Yorme Erap na gawan ng solusyon ang patuloy na holdapan sa ilang lugar sa Maynila lalo na sa kanto ng C.M. Recto Avenue at Avenida Rizal!

Recados completos na nga raw ang iba’t ibang klase ng ‘tirador’ sa naturang lugar gaya ng holdaper, tutok-kalawit, snatcher at laslas gang na mandurukot pa.

Wala pa riyan ang mga nagkalat na pokpok girls na sinasabing alaga ng ilang lespu sa naturang lugar.

Isang kamag-anak ng kasamahan natin sa media ang nabiktima kamakailan lang ng mga osdo sa lugar na ‘yan!

Mukhang 24/7 na ang holdapan sa nasabing lugar na ilang hakbang lang sa MPD PS-3 D. JOSE outpost at ilang metro naman ang layo sa ALVAREZ PCP?!

Sonabagan!!!

Natutulog ba kayo sa pansitan!? O kasabwat kayo ng mga ‘mando’ sa lugar na ‘yan!?

Ito pa ang matindi, kahit nasa libro ang mga wanted holdaper/suspek at positibo pang kinilala ng biktima ay NGANGA pa rin?!

Tanong tuloy ng mga nabiktima ng mga tirador sa AOR ng PS3, kung INUTIL daw ba talaga ang mga PULIS MPD sa D. JOSE OUTPOST at ALVAREZ PCP?!

O baka naman nagtutulug-tulugan lang ang ilang pulis-tres?!

Isang pulis-tres ang nakausap natin, at nalaman na DISSOLVED na raw ang anti-crime unit base sa utos umano ng hepe nila na si KERNEL ALDRIN GRAN.

Kaya madalas ang mga pulis ay nakatutok sa clearing operation ng vendors.

Anak ng kotong!!!

Kung walang anti-crime unit ‘e di walang reresponde kung may krimen o holdapan!?

Totoo ba ‘yan Kernel Gran!?

O baka naman sa tagal mo nang nakapuwesto riyan sa PS3 ay burnout ka na at kailangan mo nang magpahinga muna sa Bicutan!?

What do you think, PNP- NCRPO OIC Gen. Allen Bantolo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *