Saturday , December 20 2025

TimeLine Layout

June, 2025

  • 26 June

    Isko naglabas ng partial list, bagong department heads may resibo ng serbisyo

    Yorme Isko Moreno

    LIMANG araw bago ang kanyang pormal na pagbabalik sa Manila City hall, inilabas ni incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang partial list ng kanyang department heads. Ilan sa kanila sina Cesar Chavez na magsisilbing Chief of Staff; dating 3rd District Councilor Letlet Zarcal, Secretary to the Mayor; dating 4th District Councilor Atty. Wardee Quintos, City Administrator; E-Jhay Talagtag, …

    Read More »
  • 26 June

    Ospital ng Malabon nilaanan ng makabagong health equipments

    Ospital ng Malabon

    PARA mabigyan ng mas maayos na healthcare services ang mga Malabueño, pinasinayanan ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga makabagong medical equipment sa Ospital ng Malabon (OsMal). Layunin ng alkalde na mas mapabuti ang kalidad ng programang pangkalusugan  sa Malabon.                “Kaya naman po, isinagawa ang blessing ng mga bagong kagamitan na tiyak na mas mag-a-upgrade sa ating mga serbisyo. Mas …

    Read More »
  • 26 June

    Senate impeachment court tinanggap 2 pleadings ng House prosecutor panel

    Senate Congress

    NASA kamay na ng Senate impeachment court ang dalawang pleadings na inihain ng House prosecution panel kahapon, 25 Hunyo, araw ng Miyerkoles. Isa rito ang manifestation o ang “Resubmission of Entry of Appearance” at ang isa pa ay “Submission”.   Ipinaliwanag ni Senate Secretary and impeachment Clerk of Court, Atty. Renato Bantug Jr., hindi pa puwedeng talakayin sa publiko ang …

    Read More »
  • 26 June

    Tabatsingtsing na parak papayat sa “Pulisteniks”

    PNP Pulisteniks

    TARGET ng Philippine National Police (PNP) na bawasan ang timbang ng matatabang pulis sa pamamagitan ng pagbabalik ng “Pulisteniks”. Sa pagbabalikng “Pulisteniks” bilang katugunan sa direktiba ni PNP Chief, Gen. Nicolas Torre III, tiyak na maraming matatabang pulis ang papayat o magiging mas maayos ang kalusugan. Ang Pulisteniks ay bahagi ng physical fitness conditioning program ng PNP. Ayon kay Gen. …

    Read More »
  • 26 June

    PNP tiniyak walang spill over sa PH gulo sa Middle East

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na may nakalatag na silang “pro-active” na mga hakbang kasunod ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng mga bansang Israel at Iran. Ang paniniyak ay ginawa ni PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo kasabay ng pahayag na 24/7 ang monitoring ng PNP sa sitwasyon. Sinabi ni Fajardo, mahigpit na binabantayan ang mga vital installations kabilang ang …

    Read More »
  • 26 June

    PNP Mobile App inilunsad sa mas mabilis na serbisyo

    PNP Mobile App

    PARA sa mas tuloy-tuloy at mabilis na pagseserbisyo, inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) Communications and Electronics Service ang isang mobile application na tatawaging PNP Services. Ang nasabing mobile app ay makabagong plataporma na naglalayong gawing mas episyente at epektibo ang mga pangunahing serbisyo ng mga pulis sa publiko at mapahusay na rin maski ang komunikasyon sa pagitan ng …

    Read More »
  • 26 June

    Lasing na-trap sa sunog

    Fire

    PATAY ang isang hindi kilalang lalaki na hinihinalang  nakainom dahilan upang hindi nakalabas sa nasusunog na inuupahang silid sa Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sa report ng QC Fire Department, dakong 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa sa ikalawang palapag ng 2-storey residential at commercial building na sinabing lumang gusali sa kanto ng Zambales St., …

    Read More »
  • 26 June

    Kung tatakbo sa 2026, ‘di magiging madali  
    ROMUALDEZ BITBIT ‘SUMPA’T KONTROBERSIYA’ NG SPEAKERSHIP

    062625 Hataw Frontpage

    HATAW News Team KUNG PINAGHAHANDAAN na ni House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, hindi lamang mga kalaban sa politika at mga nakadikit sa kanyang kontrobersiya ang kanyang haharapin — kundi pati ang kasaysayan mismo, iyan ay ayon sa mga eksperto sa politika. Sa isang panayam, tinukoy ng political analyst at propesor na …

    Read More »
  • 26 June

    Patrick ng Innervoices gustong makadaupang palad si Gary V

    Innervoices Gary Valenciano

    RATED Rni Rommel Gonzales PABORITONG singer ni Patrick Marcelino ng grupong Innervoices si Gary Valenciano, although hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na makadaupang-palad si Mr. Pure Energy. “Hopefully one day po talaga ay ma-meet ko siya personally. I’m a big fan, number one po sa mga local artist dito sa Pilipinas. “Siya po talaga ‘yung number one favorite singer ko,” anang bagong bokalista ng grupo. …

    Read More »
  • 26 June

    Gabby never niligawan si Snooky

    Gabby Concepcion Snooky Serna

    RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na hindi pala nagkaroon ng relasyon noong araw sina Gabby Concepcion at Snooky Serna. Ni ligawan ay walang namagitan sa kanila noong kabataan nila. All the while, akala namin ay hindi lamang sila basta onscreen loveteam na nagsama sa maraming pelikula, na nagkaroon din sila ng something in real life. Hindi pala. At si Gabby mismo ang …

    Read More »