hataw tabloid
June 1, 2026 News
UMABOT na sa 10 ang bangkay na nakuha ng mga search and retrieval team mula sa gumuhong itinatayong 9-storey building nang makarekober ng apat pang katawan kahapon sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga. Sa ulat ng Angeles City Information Office, dakong 7:50 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang ikapitong bangkay sa Quadrant 2 ng gumuhong gusali habang ang ika-walong …
Read More »
Vick Aquino
June 1, 2026 Gov't/Politics, Metro, News
NASA 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa habang may 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa, bilang bahagi ng pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa bawat pamilyang Navoteño. Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Front Page, Metro, News
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 20-anyos babae na naaktohang nagbebenta ng P1.08-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent sa lungsod ng Muntinlupa, nitong Biyernes, 29 Mayo. Dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station (CPS) ang suspek na kinilalang si alyas Madam, nakatala bilang high-value drug suspect, dakong 9:15 ng gabi …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Front Page, Gov't/Politics, News
KLINARO ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Linggo na walang kaugnayan sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang posibleng pagpapatawag nila kay Nancy dela Rosa. Ang pahayag ay kasunod ng naunang paghimok ni Senador Panfilo Lacson sa NBI na huwag ituloy ang summons, na maaaring ituring na harassment, pagpapakita ng kawalan ng kakayahan sa …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Front Page, Nation, News
AABOT sa 26 hanggang 28 milyong estudyante ang mag-e-enroll para sa School Year (SY) 2026–2027. Ito ang pagtataya ng Department of Education (DepEd). Inihayag ito ni DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya kasunod nang nalalapit na pagbubukas ng klase sa susunod na Lunes, 8 Hunyo. Tiniyak ni Andaya na mayroon silang sapat na bilang ng mga teaching at non-teaching personnel …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Front Page, Nation, News
PINAALALAHANAN ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mas mababa na sa minimum operating level ang Angat Dam — ang pangunahing pinagkukuhaan ng tubig sa Metro Manila. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., bumagsak sa 173.4 meter ang water level ng Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level. …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Metro, News
NAG-IWAN ng isang patay habang 85 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 30 Mayo. Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na si Karim Montes Natividad, 18 anyos, residente sa Block 1 Dubai No. 532, sa kabila nito kinompirmang walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente. Ayon sa …
Read More »
Almar Danguilan
June 1, 2026 Opinion
AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono si dating Senate President (Senator) Tito Sotto, lalong lumobo ang negatibong kritiko sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Hindi lingid sa kaalaman ng bayan, ang mga kaganapan sa Senado bago ang botohan para sa pag-upo ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President. Nandiyan ang …
Read More »
hataw tabloid
June 1, 2026 Front Page, Gov't/Politics, News
ISANG mabilis at estratehikong hakbang ang ipinamamalas ng bagong pamumuno ng mayorya sa Senado upang patunayang hindi sila naparalisa ng mga kritisismo at politikal na ingay ng mga kritiko. Ito ang naging pag-aanalisa at obserbasyon ng mga political analyst ukol sa kasalukuyang direksiyon ng mataas na kapulungan, sa gitna ng mga espekulasyon at akusasyon ng pagkakaroon ng mga “hidden agenda”. …
Read More »
Niño Aclan
June 1, 2026 Front Page, Gov't/Politics, News
ni Niño Aclan HANGGANG ngayong araw, 1 Hunyo, ang ultimatum na ibinigay ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte – Carpio para sagutin ang inihaing Articles of Impeachment ng Kamara laban sa kanya. Matapos magtilon ang senado bilang impeachment court ay agad naglabas ng summons para tumugon ang kampo ng bise presidente sa loob ng sampung (10) araw. Inihayag …
Read More »