Tuesday , June 23 2026
Fire

Baseco Compound tinupok ng sunog
18-anyos lalaki patay, 85 pamilya apektado

NAG-IWAN ng isang patay habang 85 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 30 Mayo.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na si Karim Montes Natividad, 18 anyos, residente sa Block 1 Dubai No. 532, sa kabila nito kinompirmang walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong 11:25 ng umaga kamakalawa sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Barangay 649, Zone 68, at mabilis na kumalat sa dikit-dikit at gawa sa light materials na mga bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago nakontrol ng mga bombero ang apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas sa unang alarma ang sunog dakong 11:25 ng umaga, at sinundan agad ng ikalawang alarma dakong 11:26, hanggang itaas ito sa ikatlong alarma bandang 11:34.

Nakontrol ng mga bombero ang sunog dakong 12:35 ng hapon at tuluyang naapula dakong 12:56.

May kabuuang 340 indibiduwal mula sa 85 pamilya ang apektado sa sunog kung saan 61 bahay ang tuluyang natupok habang 24 ang bahagyang napinsala.

Sa pagtutulungan ng mga bombero at residente, naiwasang lalong kumalat ang apoy sa mga kalapit na estruktura.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog habang tinutukoy pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …