Wednesday , December 17 2025

P.3-M droga nasabat
2 HVT arestado sa Rizal

Rizal Police PNP

NADAKIP ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mga tulak at nakatala bilang high value target sa ikinasang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat ni P/SSgt. Ederico Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala …

Read More »

Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng  Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre. Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang …

Read More »

10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga
3 SUSPEK SA PAGPASLANG SA DALAWANG PULIS TIKLO

arrest, posas, fingerprints

ILANG oras matapos mapatay ang dalawang pulis sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 3 Disyembre, nasukol ang tatlo sa limang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kamakalawa ng tanghali ang pagkakadakip sa tatlong pangunahing suspek sa krimen na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44 anyos, ng Xevera …

Read More »

HVI huli sa P .3-M shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang high value individual (HVI) na miyembro ng isang criminal group matapos makuhaan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu nang masakote ng pulisya sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDED) ang naarestong suspek na si Jonnel Nabera, alyas Iyang, 37 anyos, …

Read More »

Rider todas, angkas kritikal

road accident

PATAY ang isang rider habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang angkas nang ma-hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kaagad binawian ng buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22 anyos, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente sa R-10 Sitio Puting Bato, North …

Read More »

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, Maynila ang  tumanggap ng mga aginaldo mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Malacañang kahapon ng umaga. May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni FM Jr., ang nationwide gift giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace, kasama si First Lady Louise “Liza” …

Read More »

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

Consumer Act

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksiyon. Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang …

Read More »

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

baboy money Department of Agriculture

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy para matugunan ang pangangailangan sa merkado ngayong kapaskuhan. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, tanging ang mga nagbebenta ng frozen meat ang nag-aalangan na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan. “Ayun nga lang, kung may frozen …

Read More »

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential building sa Malabon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue dakong 11:25 am nang ma-trap ng higit apat na oras sa gumuhong residential building sa Orchids St., Brgy. Longos, dakong 7:00 am. Kinilala ang dalawa …

Read More »

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde dahil naipakilala na nito ang fiancée na si Maine Mendoza sa kanyang Lola Rose. Sa Instagram account ni Ibyang noong Linggo, November 30, 2022, ibinahagi ni Sylvia ang masayang pagkikita para sa special dinner ng kanyang ina, kapatid, at ng kanyang soon-to-be manugang na si Maine. Mababasa sa caption …

Read More »

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

Alice Dixson

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. Sa edad daw niyang 53, hindi na siya dapat nagpapakulay ng ganoon.  Sabi ng kanyang bashers, “act your age” at “you’re too old for that.” Binuweltahan ni Alice ang kanyang bashers. Sabi niya, “Walking in Market2 when my suki said ‘ang Ganda ng hair mo Alice, bagay …

Read More »

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

Paolo Contis Yen Santos

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang alaga na si Paolo Contis, na kuha sa kanyang ospital room, nang bisitahin siya ng aktor kamakailan. Post ni Manay Lolit, “Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah!” Aniya, …

Read More »

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

Jessy Mendiola

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao ay may mga pagkakataong nade-depress at nalulungkot siya, lalo na kapag nakikita  ang sarili sa salamin. Palaki na kasi ng palaki ang kanyang katawan, hindi na siya sexy gaya noong hindi pa siya buntis.  Sabi ni Jessy sa kanyang Instagram account, “As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit …

Read More »

Mayor & Co suportado ang OPM songs

Mayor & Co

MATABILni John Fontanilla MAY bagong duo na tiyak mamahalin at susuportahan ng mga Pinoy na mahilig sa OPM songs at sila ay sina  Mayor & Co na parehong napapanood sa Barangay Pie ng Pie Channel at alaga ng Handpicked. Sa pocket media conference nina Mayor & Co ay ipinarinig ng mga ito ang kanilang  unang single na Haharanahin. Ayon kay Mayor siya mismo ang nag -compose …

Read More »