Monday , July 22 2024
TVJ on TV5 Eat Bulaga Dabarkads

Tito Sotto sa pag-oo sa TV5 – Sila ang may pinakamagandang offer

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA ang alok at tumugma sa gusto nilang mangyari. Ito ang mga ibinigay na dahilan nina Tito Sotto at Joey de Leon nang makapanayam sila kahapon nina Cristy Fermin at Romel Chika sa Cristy Ferminute ukol sa paglipat ng TVJ sa TV5.

Halos lahat pala ng network ay nag-alok sa TVJ pero ang TV5 ang may pinakamagandang offer kaya ito ang nagustuhan nila.

Ayon kina Tito at Joey, ang Media Quest ang kausap nila sa paglipat ng Eat Bulaga  sa TV5.

“Sa ilang araw naming pagmimiting, ang TV5 ang pinakamagandang oportunidad. Ang TV5 ang may magandang offer kasi hindi lang Air TV, napakaraming platforms. Tatlong channel n’yo may HD, may Channel 51, tapos may Cignal TV. 

“Even sa abroad napakalaki ng following ninyo kaya iyon ang pinakamagandang offer ng Media Quest, ‘yun ang aming kausap,” paliwanag ni Tito Sen.

Sinabi pa ni Tito Sen na na hindi nila kasama si Mr. Antonio Tuviera sa TV5 dahil pag-aari pa rin niya ang 25% sa TAPE, Inc..

Ukol naman sa timeslot sinabi ni Tito Sen na hindi sila makikialam at ang estasyon ang bahala. Ito’y bilang tugon sa tanong ni  Tita Cristy ukol sa magiging timeslot ng kanilang show.

Makakasama pa rin nila si Maine Mendoza sa TV5. “Yes, as a matter of fact kahit siya ay ikakasal na, nagbilin siya sa amin basta may mga meeting at kalakal siya raw ay handang sumama sa lahat ng oras,” ani Tito Sen. 

Ukol naman kay Alden Richards, puwede nila itong isama kung walang kontrata sa GMA 7. 

Posibleng  first week ng Hulyo mapanood ang TVJ at iba pang Dabarkads.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …

Ana Ramsey Willie Revillame

Ana Ramsey mas may future sa paglipat sa Wil To Win

HATAWANni Ed de Leon SINASABI ng baguhang si Ana Ramsey na masaya siya sa ginawa niyang paglipat …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …