Monday , July 15 2024
Sheree Bautista

Sheree, dream gumawa ng pelikulang pang-Nora Aunor ang peg

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AYAW paawat sa paghataw ang sexy actress na si Sheree. Mula sa paglabas sa pelikula, sa talento niya sa music, sa pagiging painter ay marami pa siyang planong gawin para ipakita pa ang mga nakatago niyang talento sa sining.

Showing na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Sex Games na pinagbibidahan nila nina Benz Sangalang, Azi Acosta, at Josef Elizalde. Ito’y sa panulat ni Ricky Lee at sa pamamahala ni Mac Alejandre. 

Ipinagmamalaki ni Sheree ang pelikulang ito at naging susi raw ito para mas lalo pa siyang magpursige na pagbutihin pa ang kanyang craft bilang aktres.

Ayon pa kay Sheree, target niya rin maging direktor someday at pinaplano na niyang mag-aral ng Filmmaking.

Ang hot na hot na actress ay cover ng May issue ng US magazine na Stare. Pati ang kanyang singing career at vlog sa YouTube ay gusto rin ni Sheree na mas tutukan this year.  

Ano ang dream role niya na talagang magiging isang malaking fulfillment sa kanya bilang aktres kung magagawa niya.

Esplika ni Sheree, “Ang dream role ko ay yung parang mga role ni Nora Aunor. Kasi siyempre ay idol ko si Nora Aunor… iyong mga tipong parang Sarah Balabagan o Flor Contemplacion, iyong mga ganoong klaseng role.

“Iyong mga matinding drama talaga na lalabas kung ano man ang kakayahan ko as an actress.”  

Pagpapatuloy pa niya, “Actually, iyon ang mahirap sa aking gawin, eh. Kasi ay never akong nagkaroon ng opportunity na mabigyan ako ng talagang matinding heavy drama role.

“Pero I think I can do it, kasi nagawa ko naman siya sa Sex Games, as in, at ang ganda nga ng pelikulang iyon, eh.

“Hindi lang siya nabibigyan ng opportunity na mai-showing sa sine, kasi masyadong sexy. But hopefully ay talagang mapanood ng lahat ang Sex Games, kasi actually hindi naman siya talaga… kasi its real life naman talaga, na nangyayari talaga ito sa totoong buhay ng hindi natin alam.

“May lesson siyang maibibigay sa mga audience, so talagang sayang na hindi maipalabas sa cinema.”

Dagdag na pahabol pa ni Sheree, “Pero if there’s an opportunity for them to download Vivamax and watch it… lahat ng nakapanood ng pelikula, talagang gandang-ganda sila sa istorya ng film.

“Actually, hindi nga nila masyadong napansin iyong pagpapa-sexy ko roon sa movie, eh. Kumabaga… kasi for me, pinag-isipan ko talagang mabuti iyon eh, and tiniyak ko na if gagawa ako nang sobrang sexy na pelikula, na ibibigay ko na talaga iyong 100 percent ko na acting at pagpapa-sexy, sabi ko talaga, dapat sa mga best diectors at writers ko iyon gagawin.

“Na iyong dream ko talaga na sina Ricky Lee ang magsusulat at si Direk Mac Alejandre ang direktor.”

Sakaling maging direktor na siya someday, sina Nora Aunor, Vilma Santos, at Elizabeth Oropesa raw ang mga premyadong actress na dream niyang maidirek sa hinaharap.

Pahayag ng dating member ng Viva Hot Babes, “Ay grabe, si Elizabeth Oropesa po, Idol ko talaga si Tita Oro, nakatrabaho ko siya, talagang napakasarap katrabaho.

“Kasi kunwari wala kaming eksena, nagtsitsikahan kami nang bongga, pagdating sa eksena, ‘pak!’, diretso ang mga linya niya at ang galing talaga.”

Dagdag pa ni Sheree, “At saka po siyempre si Ms. Nora Aunor,.. Kung matutupad ang pangarap ko na pumayag si Ate Guy at maidirek ko siya sa isang pelikula, talagang dream come true po iyon sa akin.

“Iyon po ang goal ko at kapag may goal ako, tinutupad ko talaga.”

“Wala naman pong masamang mangarap, hindi ba? Free naman pong mangarap, so hopefully, kapag nabigyan ng opportunity, sila Nora Aunor Vilma Santos, at Elizabeth Oropesa po ang gusto ko talaga. Sila po ang mga idol ko, eh at ang gagaling nila talagang mga artista,” masayang sambit pa ni Sheree.

About Nonie Nicasio

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Pulang Araw 2

Official primer ng bagong show ng GMA nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL na sa social media ang official primer ng most important …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Pulang Araw

Bagong serye ng GMA ginamitan ng CGI

HATAWANni Ed de Leon MATAGAL na kaming hindi nanonood ng mga serye sa telebisyon. Nakakasawa …