Saturday , September 23 2023
Alden Richards Eat Bulaga Dabarkads

Alden nananatili ang loyalty sa TVJ 

MA at PA
ni Rommel Placente

IGINIIT ni Alden Richards sa panayam sa kanya ng News 5 na nananatili ang kanyang loyalty sa mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kilala rin sa tawag na TVJ.

Kaya naman nang magpaalam na ang tatlo sa Tape Inc., na producer ng Eat Bulaga, ay nag-resign na rin siya sa noontime show.

Aminado naman kasi si Alden na malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil isa ang Eat Bulaga sa naging dahilan kung bakit siya sumikat at ang dating loveteam nila ni Maine Mendoza, na kilala sa tawag na AlDub.

Mensahe ni Alden para kina Tito, Vic and Joey, “To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, ‘yung sarili ko is for them… regardless.

“I’m always looking back dun sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.

“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.

“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga.”

Wala si Alden nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey, sa pamamagitan ng Facebook Live at YouTube, sa loyal viewers ng Eat Bulaga! noong March 31, 2023.

About Rommel Placente

Check Also

ER Ejercito si Barbie Forteza Nora Aunor Vilma Santos David Licauco

ER Ejercito ikinompara si Barbie kina Nora at Vilma

RATED Rni Rommel Gonzales Para kay ER Ejercito si Barbie Forteza ang next Nora Aunor o Vilma Santos. Ayon pa rin sa …

David Licauco

David may dahilan ang pagiging suplado at isnabero

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni David Licauco sa 24 Oras, nagpaliwanag siya kung bakit may …

Joey Reyes Vice Ganda Ion Perez

Direk Joey sa kaso nina Vice-Ion: it’s an overreaction

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng pahayag at reaksiyon si Direk Joey Reyes kaugnay sa paratang …

Chloe Jenna Shiela Snow Aaron Villaflor Jeffrey Hidalgo

Chloe at Shiela baguhang may ibubuga sa akting

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MGA baguhan kapwa sina Chloe Jenna at Shiela Snow pero agad napansin ang galing …

Arjo Atayde  Asian Content Awards

Arjo Atayde Best Lead Actor nominee sa Asian Content Awards

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKAKUHA ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa Cattleya Killer, ang collaboration …