HINDI na mabilang ang achievements ni Jed Madela sa loob ng mahigit na dalawang dekada bilang artist, mapa-internasyonal man o lokal na entablado. Sa katatapos na presscon na tinaguriang The Voice Jed Madela noong June 24, 2024, pinag-usapan ang ukol sa nalalapit niyang birthday concert sa July 5, 2024, sa Music Museum. Nagsilbi rin iyon bilang pagdiriwang ng kaarawan at achievements sa kanyang karera. …
Read More »Liver spots sa mukha pinapusyaw ng Krystall Herbal Oil
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Nenita Evangelista, 64 years old, taga-General Trias, Cavite, isang retiradong government employee. Nitong nakaraang buwan napansin ko ang kakaibang spots sa mukha ko. Nagpunta po ako sa dermatologist at ang sabi possible nga raw pong liver spots dahil na rin sa edad ko. …
Read More »Bukod sa West Philippine Sea
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?
YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin ng China ang National Capital Region (NCR) at ilang mga probinsiya sa Luzon from north to south. Ito ang sinasabi ng ilang mga eksperto hinggil sa kanilang pag-aaral at ebaluwasyon sa mga ginagawang pagkilos at aktibidad ng mga Intsik sa Filipinas. Sinasabi rin nila na …
Read More »Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan
NAGTATAG ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa. Ang support group ay isang buwanang pagtitipon na naglalayong magbigay ng safe space para sa mga magulang, kung saan maaari silang magbahagi ng kanilang karanasan, makakuha ng kaalaman, at magbigay ng inspirasyon sa isa’t isa. Ayon kay Jhen, ina ng batang may …
Read More »Sa Quezon City
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”
NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang barangay sa Lungsod. Sa pagdiriwang kahapon ng International Day Against Drug Abuse na ginanap sa Philippine Public Safety College sa QC, sinabi ni QC-ADAAC Co-Chairman at Vice Mayor Gian Sotto na sa ngayon ay bumababa na ang bilang ng mga drug addict at drug pusher …
Read More »Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU
PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa pampublikong lugar na madidiskubreng may dalang P34,000 halaga ng shabu matapos suntukin ang pulis na sumita sa kanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong Art 148 of RPC (Direct Assault) at paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of …
Read More »2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas
DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025. Pumirma ng memorandum of agreement (MOA) si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisaryo ng nasabing programa. Kabilang sa mga benepisaryo ang 15 incoming high school freshmen, …
Read More »4 MWPs, timbog sa QC
APAT na most wanted persons ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon. Inihayag ito kahapon ni QCPD Director, Police Brig. Gen. Redrico A. Maranan. Ayon kay Maranan, ang akusado na si Alberto Enriquez, Jr., 29 anyos, tinaguriang No. 6 Station Level MWP, residente sa Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City ay naaresto dakong 3:30 …
Read More »Lapid handang magbitiw kapag napatunayang sangkot sa POGO hub
“I WILL RESIGN.” Ito ang tahasang sinabi ni Senador Manuel “Lito” Lapid sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ukol sa pagdinig sa kontroberisyal na mga krimen at ilegal na gawain ng mga Philiipine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa, sa sandaling mapatunayang may kinalaman siya rito. Kasunod nito mariing pinabulaanan …
Read More »Tatlong notorious motornapper timbog
WALANG KAWALA ang tatlong kilabot na motornapper nang arestohin ng pulisya sa kanilang pinaglulunggaan sa Calumpit, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Eisbon Llamasares, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), ang tatlong arestadong suspek ay kinilalang sina Cornelio Galang, 42, residente sa Lourdes St. Brgy. San Juan, Apalit, Pampanga; Jeffrey Lusung, 22, residente sa Cecilio St., Brgy. …
Read More »P8.5-M liquid Cocaine nasabat sa Port of Clark
HALOS 1,350 milliliters ng liquid cocaine na nagkakahalaga ng P8,522,400 ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang Paisa o Colombian national sa Port of Clark, Angeles City. Kinilala ng PDEA Central Luzon team leader ang naarestong suspek na si Santiago Francisco Amado Sopo a.k.a Antonio Cordero, 32 anyos, isang Colombian national na naaresto …
Read More »Babaeng pasahero ipinahiya ng driver, suspensiyon ng lisensiya inirekomenda ng LTFRB
INIREKOMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na magpataw ng suspensiyon laban sa lisensiya sa pagmamaneho ng jeepney driver na sangkot sa panghihiya sa kanyang pasahero dahil sa katabaan. “The Board hereby recommends to the Land Transportation Office that the driver’s license of Mr. Arneto Palisan, be suspended in accordance with RA 4136,” …
Read More »POGOs GATASAN NG MGA KAWATAN — POE
ni NIÑO ACLAN TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na tila nagiging gatasan ng mga magnanakaw ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kung kaya’t nararapat na i-ban na ito. Ayon kay Poe, tila isang malaking sakit sa ulo ng pamahalaan ang POGO lalo sa mga dulot nitong kriminalidad tulad ng modern-day slavery, vices, at illicit activities. “Talagang sakit …
Read More »Erice hindi takot personalin, kahit matalo sa 2025 elections
HINDI natatakot si dating Caloocan Rep. Edgar Erice na personalin siya ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na 2025 senatorial at local elections, maisiwalat lamang niya ang malaking posibilidad na magkaroon ng failure of election Kung matutuloy nag kontrata sa MIRU. Dahil dito iniharap ni Erice sa publiko ang mga posibleng kaharaping problema ng 2025 midterm elections. Ayon sa …
Read More »4 kelot, 1 bebot huli sa aktong bumabatak
DIRETSO sa kalaboso ang limang indibiduwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na bumabatak ng ipinagbabawal na gamot sa Marilao, Bulacan kahapon. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt.Colonel Norman Cristal Cacho, hepe ng Marilao Police Station, kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isinagawa ang drug-sting operation sa Sitio Patulo, Brgy. Loma De Gato, Marilao dakong alas-2:00 ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















