Thursday , June 4 2026
Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc ikakasal sa 2025

MATABIL
ni John Fontanilla

TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na singer, songwriter, at abogado na si Jimmy Bondoc. Tatakbo ito bilang  senador sa darating na election.

Si Jimmy ay kilalang loyal supporter nina dating pangulong  Rodrigo “Digong”  Duterte at Bise Presidente Sarah Duterte  na ngayon ay parehong  nasasangkot sa kontrobersiya na maaring maka-apekto sa kanyang kandidatura.

I’m running on a campaign of principle! Hindi po ito loyalty sa mga pangalan kung hindi loyalty sa mga prinsipyo.

“Right now ang mga prinsipyo ko  ay talagang align naman sa mga Duterte. Rito sa mga recent na bangayan, nakatutulong po sa awa ng Diyos ‘yung nag-abogado ako and tinitingnan ko ‘yung legal aspect para malayo sa politika. 

“At sa legal aspect, hindi ako nagsalita, hindi ako nag-post until dumating si Atty. Zuleika Lopez at mula roon sa contempt, na roon palang talagang takang-taka na ako sa grounds niyong contempt.

“Biglang in the middle of the night pinalilipat sa Women’s Correctional. Hindi ko po talaga matanggap ‘yon. 

“So in terms of loyalty, I’m not loyal to families, I’m loyal to principles, and in terms of law. 

“Ang ipinaglalaban ko rito is hindi ‘yung bangayan nila kung hindi ‘yung ‘wag naman po natin basagin ang mga batas natin para lang sa politika. 

“Sana naman po sundin natin ang due process,” susog pa ng abogadong singer.

Masaya naman nitong ibinalita na ikakasal na siya sa kanyang lawyer girlfriend sa February 2, 2025 na gaganapin  sa Manila Cathedral at ang reception ay sa Manila Hotel.

Suportado si Jimmy ni Atty. Rey Bergado  at ng grupo nitong Innervoices.         

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …