Friday , January 17 2025
Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games
UNANG ginto inangkin ni Philip Adrian Sahagun sa men's 200m Individual medley, habang sa women's 200m individual medley nasungkit naman ni Lora Micah Amoguis ang ginto sa 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines-East Asia Growth Area (DICT-PSC-BIMP-EAGA) Friendship Games na ginaganap sa Ramon V. Mitra Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa unang araw ng swimming  kumpetisyon sa  2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines-East Asia Growth Area (DICT-PSC-BIMP-EAGA) Games na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.

Naungusan ni Philip Adrian Sahagun ang Indonesian na si Hidayatullah Ari sa huling metro ng men’s 200-m individual medley (2:13.52)  upang angkinin ang unang gintong medalya sa kumpetisyon. Tumapos ang Indon swimmer sa 2:13.83 habang nakuha ng teammate ni Sahagun na si Paolo Rodolfo Apilado III ang bronze medal ((2:20.82). 

“Hindi ko talaga inaasahan ito, basta ang target ko lamang ay matapos ko ang lahat ng limang events ko dito sa BIMP-Eaga,” sabi ng 22-anyos na tubong Davao City na si Sahagun.

Katuwiran ng 3rd year BS Enterprenur student ng De La Salle University-Taft ay nagpahinga siya ng halos dalawang lingo matapos ang 67th UAAP kumpetisyon kaya humina ang kanyang kumpiyansia.

“Ang mindset ko is just to win this event. Pero ito ngayon nakakatulong ako sa Team Philippines-A,” dagdag ni Sahagun na hangad din na mapasama sa national pool. 

Ang unang ginto ng Pilipinas ay nakapagbigay din ng inspirasyon kay teammate Lora Micah Amoguis. Ang tubong Davao City na 18-anyos sa si Amoguis ay humataw sa women’s 200-m medley sa oras na 2;30.73. 

Hindi na iniinda ni Amoguis ang kanyang shoulder injury at tuloy-tuloy siyang namayagpag para sa ikalawang ginto ng Team Philippines A.

“I have this injury dahil sa fatigue. Sunod-sunod kasi ang sinalihan kung kumpetisyon. Pero sa sabi naman ng coach na puwede pa akong sumali basta relax lamang ako dahil kailngan ako ng team naming at hindi masyadong ma-stress. Thanks to my physical therapist at teammates sa kanilang suporta sa akin.  PInalakas nila ang loob ko. Sabi nila kaya ko ito,” ayon kay Amoguis na fist year BS Life Science student ng Ateneo de Manila University.

Kapwa sina Amoguis at Sahagun ay umani agad ng tig-dalawang ginto matapos pangunahan ang panalo sa men at women’s 4×100-m freestyle relay. Nag-oras sina Sahagun kasama sina Dominic Requiza, John Michael Catamco at Polo Miguel ng 3:44.05.

At sinundan ng panalo sa kanilang women’s team sa oras na 4:19.20. Kabilang sina Juliana Villanueva, Margarette Amoguis, Rissa Angelian Amoguis sa winning team sa relay event.

Bukod sa team A, ang Philippine team E ay umukit din ng apat na gintong medalya sa pangunguna ng tubong Princesa City swimmer na si Jaye Magila Dignadice sa women’s 5-m butterfly (30.47-sec) at Edgar Allan Naraga sa men’s 50-m backstroke (29.25-sec). Ang ikatlong ginto ng Team E ay mula kay Quendy Fernandez na tubong Puerto Princesa City din. Hinawakin ni June Pearl Degamo ang women’s 100-m freestyle sa oras na 1:04.59. 

Ang ibang nagwawagi sa medal-rich aquatics ay sina Shawn Voon Xuan Qing ng Malaysia team B sa men’s 100-m freestyle (54.76-sec) at si Hidayatullah Ari ng Indonesia sa men’s 200-m breastroke (2:25.89).

Sa athletics event na ginanap din sa Ramon Mitra Sports Complex, pinag-hatian ng host Philippines at Malaysia ang unang dalawang ginto ng kumpetisyon. Nagwagi ang Pilipinong si Bernard Ganancial sa men’s discuss throw (33.95-m) habang ang Malaysian na si Daniella Jimil ay reyna sa women’s shotput (10.25-m).

Magpapatuloy ang kumpetisyon sa ikalawang araw ng aksiyon ngayon sa archery, swimming at athletics sa Ramon V. Mitra Sports Complex habang sa SM City naman ang esports, karatedo sa NCCC Mall, pencak silat sa Robinson’s Place, sepak takraw sa Palawan State University at badminton sa Edward Hagedorn Coliseum. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Raffy Tulfo George Royeca Angkas

Non-pro riders pinabayaan  
TULFO KINASTIGO CEO NG ANGKAS

KINASTIGO ni Senate committee on public services chairman Raffy Tulfo si Angkas CEO George Royeca …

Palawan Gold

Mamuhunan ngayong 2025 sa Palawan Gold

PARA masiguro ang financial freedom at maaliwalas na kinabukasan, isang malaking desisyon ang mamuhunan sa …