KAMI man, hindi kami naniniwala na iyang mga artistang tuwirang nangangampanya para sa mga kandidato, lalo na iyong mahihina naman ang ratings, ay nangangampanya ng walang bayad. Iyong isa ngang love team eh, ikinuwento pa sa amin kung sino ang mga taong naging “go between” kaya nag-endorse ng kandidato, pati na kung magkano ang bayad, nagkakaila pa eh.
Natural magkakaila sila. Hindi aamin ang kandidato na nagbayad siya ng ganoon kalaki dahil kakarga iyon sa kanyang campaign spendings na limitado lang naman. Iyong artista rin hindi naman aamin dahil ayaw niya siyempreng magbayad pa ng tax sa raket na iyon. Hindi lang nila tayo dinadaya sa pagsasabing wala silang bayad. Dinadaya pa nila ang bayan dahil ayaw nilang magbayad ng tax.
Bakit nga ba kami makikinig sa mga ginagawa nilang endorsements?
HATAWAN – Ed de Leon