Friday , September 20 2024

Ate Vi, namimili ng pelikula kaya sikat pa rin!

092915 vilma
MUKHANG desidido pa rin ang fans ni Governor Vilma Santos na patunayang nariyan pa rin sila at magagawa nilang isang malaking hit ang pelikula ng kanilang idolo. Ayaw siguro nilang masabing kagaya lang sila ng ibang fans na panay daldal lang pero ayaw namang manood ng sine. Ayaw namang gumastos kaya ang sinusuportahang mga artista puro flop ang pelikula.

Kung sa bagay hindi lang naman iyong fans eh, si Ate Vi, nakuha na niya ang tiwala ng publiko bilang isang aktres. Sa ngayon basta sinabi mong si Ate Vi, hindi lang nila sasabihing magaling na artista iyan kundi tiyak magandang pelikula iyan. Kasi si Ate Vi, hindi lang concerned sa kanyang acting, sinisiguro niyang maganda ang kanyang ginagawang projects. Siguro kahit na magaling si Ate Vi bilang isang aktres, kung gagawa naman siya ng mga pelikulang kung ano lang, aba eh hindi rin maganda iyon.

Pero si Ate Vi kasi, hahanap agad iyan ng script. Magtatanong din iyan kung sino ba ang mga artistang makakasama niya sa pelikula. Kailangan iyon eh. Kaya nga kung may pelikula siyang ganyan, kagaya nga niyang Everything About Her, alam agad ng tao na magandang pelikula iyan.

Alam nila na mahusay na acting ang kanilang makikita, dahil isipin ninyo, sina Ate Vi at Angel Locsin iyan na parehong magaling na artista.

Iyon eh, iyong credibility ni Ate Vi bilang isang aktres, bukod doon sa fans niya ang dahilan kung bakit nagiging hits ang kanyang mga pelikula. Hindi si Ate Vi iyong masasabi mong nalasing lang gumawa na ng pelikula. Talagang bawat pelikulang gawin niya ay pinag-aaralan at pinaghahandaan. Kaya naman nakita ninyo, tambak ang offers sa kanya, hindi niya magawa dahil marami rin naman siyang trabaho sa opisina, at hindi naman siya maaaring gumawa ng pelikula na ganoon-ganoon lang.

Lalong particular si Ate Vi sa director at budget ng ginagawa niyang pelikula. Kasi totoo naman iyon eh, kung ang budget mo sa pelikula barya lang, paano mo naman mapatitino ang pagkakagawa niyon? Hindi siya kagaya ng iba na magkaroon lang ng pang-tsongki ok na.

Iyan ang dahilan kung bakit napapanatili ni Ate Vi ang kanyang pagiging sikat na aktres through the years.

Mga artista, may kasalanan din sa mga video scandal

KABUBULONG pa lang sa amin ng isa naming source tungkol sa napanood niyang video scandal ng isang male star, kumalat na agad iyon sa internet. Kalalabas pa lamang niyon, kinabukasan may isa pang scandal ng isa ring male star, at ang sabi sa amin anim na scandals daw iyang kumakalat na iyan at iba-ibang male stars ang mga iyon.

Kung iisipin mo, kalokohan nila iyan eh. Alam naman nila na mga artista sila at may image na kailangang ingatan. Alam naman nila na sa panahong ito iyang mga ganyang scandal ay mabilis na kumalat dahil sa internet, baka nga bukas makalawa lamang ay may ipinabibili ng DVD niyan kasama ang mga pirated eh. Nangyari na iyan noon sa isang indie male star. Ewan naman kung bakit ginagawa pa nila iyan. Kung lumabas na, at saka kung sino-sino ang sinisisi nila.

Ang una nilang dapat sisihin ay ang sarili nila. Kasi in the first place, bakit nila ginawa iyon. Eh iyang ganyang mga video, iyan ang hinahanap at gusto ng mga blogger dahil basta may mailabas silang ganyan, sikat sila at pag-uusapan ang blog nila. Iyon lang naman ang habol ng mga blogger eh, iyong sumikat din sila dahil wala naman silang kinikita sa ginagawa nila.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

SV Sam Versoza Rhian Ramos

Cong. Sam Verzosa namigay ng negosyo sa 100 katao; sinorpresa ni Rhian

MATABILni John Fontanilla BUMAHA ng luha sa labis na kasiyahan ang may 100 netizen na …

Arjo Atayde

Arjo nanghinayang, nalungkot sa ‘di pagkakasama sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente SA Thanksgiving/Christmas party ng actor-politician na si Arjo Atayde para sa entertainment …

Jhassy Busran

Jhassy Busran engrande ang pagdiriwang ng 18th birthday

MATABILni John Fontanilla ENGRANDE at very memorable ang pagdiriwang ng 18th birthday ni Jhassy Busran na ginanap kamakailan sa …

AiAi delas Alas Carlos Yulo Chloe San Jose

Ai Ai kay Chloe — Hindi ka pa asawa, girlfriend ka pa lang

MATABILni John Fontanilla PINAYUHAN ni AiAi delas Alas ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa ginagawa umanong …

Isko Moreno Doc Willie Ong

Isko hiling na ipanalangin paggaling ni Doc Willie

I-FLEXni Jun Nardo LUBOS na nalungkot si Isko Moreno nang malaman ang kalagayan ng kaibigang si Doc Willie …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *