Thursday , June 4 2026

Madir, ‘di feel ang BF ni sexy actress na walang trabaho

00 blind itemHINDI pala feel ng madir ng isang sexy actress ang kanyang mamanuganin.

Ang feeling kasi ng madir ay dehado ang kanyang anak dahil wala naman talagang work ang dyowa ng anak niya. Hindi stable ang trabaho nito kaya worried siya kung paano nito bubuhayin ang kanyang pamilya.

May baby na si sexy actress at kasal na lang ang kulang sa kanila. Hindi feel ng madir ang senaryong ang kanyang anak pa ang gagastos sa wedding nila.

Walang regular job ang dyowa ng sexy actress at lahat yata ng gastos sa bahay ay ang aktres pa ang may sagot. Ito ang inaayawan ng madir ng sexy actress. Ang anak niya kasi ang kayod marino sa TV at solong nagtataguyod ng kanyang anak at asawa.

Hindi naman mapakialaman ng madir ang anak niyang aktres dahil kilala ito sa pagiging prangka. Baka nga naman kapag pinagsabihan niya ito ay mag-away lang sila, ‘no.

Sa ngayon ay problematic ang nanay ng aktres dahil ayaw niyang makatuluyan ng anak niya ang boyfriend nito. Kung may magagawa lang siya para mapaghiwalay lang ang dalawa ay ginawa na niya.

Ang poblema, masyadonng in love ang aktres sa kanyang boyfriend at feeling ng madir ay imposibleng hiwalayan ito ng kanyang anak.

Da hu ang akres? Naku, ‘wag na at baka magwala pa siya, ‘no. ( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …