Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, natakot sa AlDub, kaya umurong sa MMFF 2015

101315 kris aquino aldub
HINDI na raw matutuloy ang pelikula nina Kris Aquino at Mayor Bistek para saMetro Manila Film Festival. Palagay namin iyan ang tamang desisyon. Mahihirapan lang din sila dahil in a few more days baka mag-file na ng kanyang certificate of candidacy si Mayor Bistek, at kasunod niyon mangangampanya na siya. Paano pa niya matatapos ng maayos ang pelikula niya? Isa pa, masasakop na siya ng media ban, paano pa maipalalabas ang pelikula niya?

Noon sinasabi nila na aalisin na lang si Mayor Bistek at kukuha ng ibang leading man para kay Kris, pero ano ang magiging laban niyon sa mas malalaki pang pelikulang makakasabay nila sa festival?  Mahirap makipagsabayan ngayon lalo na sa pelikula nina Vic Sotto at Aiai delas Alas, dahil suportado pa iyon ngAlDub, paano mo babanggain iyan?

Sa palagay namin sa lakas ng following iyang AlDub, mahirap mo nang banggain iyan sa takilya lalo na nga’t iyan ang una nilang pelikula. Kung gagawa ka man ng pelikula para sa festival, dapat iba na ang gawin mo, dahil kung sasabay ka at medyo love story at comedy din ang linya mo, mabuti pa nga kalimutan mo na lang.

Kaya kami naniniwala, wise talaga na umurong na lang sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …