Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweetness nina James at Nadine, hanggang TV lang

033015 Jadine
IYONG bang post ni James Reid sa kanyang social networking account ay isang pag-amin na magka-love team nga sila ni Nadine Lustre at hanggang doon na lang iyon? Kasi sa tono ng salita ni James, sinasabi niyang may sarili siyang buhay, at alam niya kung ano ang gagawin niya sa buhay niya. Hindi dapat pinakikialaman ng kahit na sino ang kanyang lovelife.

Kung iisipin, may point naman diyan ang male star na iyan na ayaw sa mga tabloid writer, at minsan ding nagsabing ok lang na magsinungaling sa mga tabloid. Ewan namin kung nagsasabi siya ng totoo sa kanyang social media account. Pero matindi iyong post na iyon.

Kasunod iyan ng mga tsismis na namang bago, at iyong mga inilabas na pictures ng mga nagseselos na fans na kasama ni James ang ibang babae. Roon sa sinabi ni James parang sinabi na rin niya ng diretsahan, “wala kayong pakialam. Buhay ko ito.”

Sinasabi nga namin may point naman. Kung talaga namang hindi sila nagkakagustuhan ni Nadine sa totoong buhay, hindi ba matanggap na lang ng kanilang fans na oo, love team sila pero hanggang doon na lang iyon. Huwag nilang pilitin na gawing totohanan iyon. Hindi rin naman talaga maganda iyong pipilitin ninyo sila dahil sa inyong sariling ilusyon.

Make believe lang naman iyang mga pelikula at TV shows. Tanggapin na ninyong ganoon lang talaga iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …