Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di masama kung crush ni Daniel si Yaya Dub

081915 Daniel Padilla yaya dub
EWAN pero palagay namin wala namang masama sa mga sinasabing “crush” ni Daniel Padilla si Yaya Dub. Crush lang naman eh. Natural lang naman iyon sa mga kabataan. Bakit sa kanya bang edad sa ngayon maaasahan na ninyong magiging seryoso sa isang love affair iyang si Daniel? Palagay namin bata pa rin naman iyan eh. Hindi pa ninyo maaasahang maging seryoso iyan sa love.

Natural lang sa mga kabataan iyong hindi lang isa, kundi napakaraming crushes, kasi hindi pa nga sila sigurado kung ano ba ang gusto nila sa buhay nila. Kung ang isang lalaking kagaya ni Daniel hindi man lang magkaroon ng crush, aba eh magduda na kayo.

Kung iisipin mo eh, iyon ngang walang kaduda-duda kung ano may sinasabi pang crush nila eh, si Daniel pa kaya na isang tunay na lalaki ang hindi ganoon?

Isa pa, iba ang dating ni Yaya Dub ngayon. Hindi mo masasabing napakaganda niya. Maaaring sabihin ninyo na maraming mas maganda pa kaysa kay Yaya Dub. Pero mayroon siyang charm na nagustuhan ng mga tao kaya hindi maikakaila na siya ang crush ng bayan sa ngayon. Sabi nga ng isang kakilala namin, si Yaya Dub daw ang “pambansang crush”.  Hindi nga kami magtataka kung may isang kandidatong gustong maging presidente ng Pilipinas na mag-alok din kay Yaya Dub na maging vice president niya para siya manalo.

Normal lang iyon kung may crush man si Daniel.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …