Thursday , June 4 2026

Alyas BIU ng Chinatown godfather ng illegal aliens

00 rex target logoNAKARATING sa ating kaalaman na magpahanggang   ngayon ay patuloy pa rin ang paghataw ng isang alyas BIU sa pagpaparating ng mga undocumented aliens mula bansang Tsina.

Siya ang sinasabing source ng mga ipinupuslit na mga dayuhang Intsik dito sa bansa. Isang gusali malapit sa Escolta, Maynila ang nagsisilbing safehouse ng mga Intsik na tinuturuan ng lengguwaheng English at Filipino bago i-deploy sa mga lansangan sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Kung smuggled ang mga Intsik, smuggled din ang mga produktong kanilang itinitinda.

Well-connected si alyas BUI hindi lamang sa mga opisyales ng Bureau of Immigration ni Commissioner Fred Mison kundi maging sa bakuran ng Bureau of Customs ni Commissioner Bert Lina.

Malaking bahagi ng ipinamumudmod na kuwarta (PAYOLA) mula sa lukbutan ni alyas BUI ay napupunta umano sa kanilang padrino sa Malacañang na kilala sa bansag na Eskapo.

May ilang dekada na rin namamayagpag si alyas BUI sa ganitong opisyo. May mga panahong nagpahinga ngunit muling bumalik sa bonggang sirkulasyon makaraang maitalaga si Commissioner Mison sa Bureau of Immigration.

Muling namula ang hasang nitong si alyas BIU pagdating sa human smuggling operation. Na-revived rin ang lumang connections sa Aduana kaya pati distribution ng smuggled goods mula sa BOC ay napapakialaman na rin niya ngayon.

Makikitang dumadalaw sa opisina ni alyas BIU ang ilang bagmen ng Manila Police District (MPD) para kumolekta ng lingghang ‘intelihensiya.’

Kabilang na rito ang isang antigo at uugod-ugod na lespu na kilala sa alyas TATA na umano’y direktang aso ng Office of the District Director.

Going back dito kay alyas BUI, isa ang 168 Mall sa mga bagsakan ng epektos ng tarantadong Tsekwa. Pinalusot na Chinese nationals na halos hindi nagsasalita at mga Chinese products na smuggled lahat ang klase ng negosyo na mismong si BIU ang nagpi-finance.

May pabagsak din sa Baclaran, Cartimar at maging sa Virra Mall sa Greenhills, San Juan.

Isang mataas na opisyal ng isang national media organization ang nasa likod ni alyas BUI.

Minsan na ring pinasadahan ng upak ng magkakapatid na Raffy, Erwinat Ben Tulfo ang network nitong si alyas BUI kung kaya’t napuwersang mag-lie low sa kanilang ilegal na operasyon.

Makaraang magpalamig ng ilang panahon, back to normal business na ang hindoropot na si alyas BUI.

 More on alyas BIU sa mga susunod nating pagbira.

Abangan!  

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …