Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Managot ang dapat managot

 

00 firing line robert roqueMAY mga dapat managot sa kalunos-lunos na pagkasawi ng 72 manggagawa nang masunog ang pabrika ng tsinelas na kanilang pinagli-lingkuran sa Barangay Ugong, Valenzuela noong Miyerkoles.

Sa panig ng Kentex Manufacturing Corporation, ang may-ari ng pabrika, bakit nila pinagtrabaho ang kanilang manggagawa sa ikalawang palapag ng gusali na may rehas ang mga bintana?

Preso ba ang tingin nila sa kanila na hindi puwedeng patakasin?

Sa 72 katawan ng mga nasawi ay tatlo lamang ang nakilala. Ang 69 iba pa na pawang nakulong sa ikalawang palapag ay idaraan pa sa DNA testing.

Natuklasan ni Interior Secretary Mar Roxas na may tatlong klase ng manggagawa sa Kentex – ang mga direktang kinuha ng kompanya, ang kinuha na dumaan sa ahensya, at ang kinuha sa pamamagitan ng ‘pakyawan system’ na panandalian lamang.

Ang mga dumaan sa sistemang pakyawan ay walang rekord sa kompanya, walang bene-pisyong pangkalusugan at hindi ginagawang re-gular na empleyado.

Dito pa lang ay may paglabag na sa batas kaya sisiyasatin nina Roxas.

Ang dapat matumbok sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay kung nakakuha ang Kentex ng kaukulang mga permit mula sa gobyerno.

Batid nating lahat na hindi makatatakbo ang isang pabrika kung hindi ito papasa sa mga pamantayan kaugnay ng kalusugan at kaligtasan.

Pero alam din natin na ang pera ay sapat na para magsilbing permit na puwedeng itapal sa mukha ng mga tiwaling empleyado at inspektor ng gobyerno.

Bukod sa may-ari ng pabrika ay dapat mapanagot ang mga taong-gobyernbo na sinuhulan kung nakapag-operate ang Kentex nang kulang-kulang ang pasilidad.

Hindi na maibabalik ang buhay ng 72 nasawi pero sa tamang paghihigpit ay maiiwasang maulit sa iba ang trahed-yang naganap.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …