Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinutortyur ni PNoy si Mar

EDITORIAL logoHINDI pa ba sapat ang mga sakripisyong ginawa ni Interior Sec. Mar Roxas para kay Pangulong Noynoy Aquino?

Makailang beses na itong pinatunayan, at lagi, sa mga kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon, si Mar ang nagtatanggol kay PNoy.

Pero sa kabila ng mga kabutihang ito, tila walang maaasahang magandang sukling gagawin si PNoy kay Mar. Hanggang ngayon, patuloy na tinatakam ni PNoy si Mar at hindi pa rin idinedeklara kung sino ang magiging standard bearer ng Liberal Party.

At kamakailan, sa pakikipag-usap ni PNoy kay Sen. Grace Poe, hindi na naman tinukoy kung sino  ang magiging standard bearer ng LP, at nagparamdam ng posibilidad na ang senador ang maaaring hirangin bilang presidential bet  at hindi si Mar.

Torture ang ginagawa ni PNoy kay Mar.  Hindi magiging pangulo si PNoy kung hindi nagparaya si Mar nang tumakbo na lamang bilang vice president noong 2010  elections.  At ito ang masaklap na katotohanan sa isang presidential aspirant na walang winnability tulad ni Mar. Nais makasiguro ni PNoy at kasapian ng LP na ang kanilang susuportahan ay siguradong magiging pangulo ng Pilipinas.

Kaya nga, hindi na nakabibigla kung sa mga darating na araw makita na lang nating itinataas na ni PNoy ang kamay ni Poe bilang standard bearer ng LP at si Mar naman bilang vice president na lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …