Saturday , April 27 2024

May benepisyo bang matatanggap si Nora kapag idineklarang Artista ng Bayan?

ni Ed de Leon

IDEDEKLARA na raw artista ng bayan si Nora Aunor sa isang seremonya ba iyon o rally na gaganapin sa UP. Iyan ay matapos na makita nilang ano mang argument ang kanilang ilabas hindi na babaguhin ng pangulo ang kanyang naunang desisyon na ilaglag si Nora bilang lehitimong national artist.

Pero iyong kanilang deklarasyon sa UP, walang sinasabing benepisyo. Una, may maibibigay ba silang kaunti mang halaga kay Nora kasabay ng kanyang deklarasyon? Mabibigyan din ba siya ng buwanang pensiyon habang siya’y nabubuhay? Mabibigyan ba siya ng karangalan ng isang state funeral kung sakali? Palagay namin ay walang lahat iyan.

Isa pa, umabot ba sila ng isang milyong pirma sa kanilang petisyon? Kasi sinabi lang nila iyan sa isang press conference na ginastusan pa noon ng NCCA, pero hindi na natin nabalitaan kung ilan nga ba ang pumirma sa petisyong iyon. Umabot ba sa isang milyon? Iyon ba ay mga verified signature, ibig sabihin hindi lang basta pirma kundi naroroon ang pagkakakilanlan ng mga pumirma? Kasi kung hindi verified signatures iyon, umabot man ng dalawang milyon iyon eh wala rin. At saka sana nag-ambag-ambag naman ang mga pumirma para may maiabot man lang kay Nora.

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *