ni Ed de Leon
MUKHANG noong bandang huli ay maluwag na ring natanggap ni Wowie de Guzman ang nangyari sa kanyang misis na si Sheryl Ann Reyes Camanyang. Noong una talaga, hindi halos makausap si Wowie dahil talagang naghihinagpis siya. Isipin mo nga naman, ilang taon pa lang ang kanilang pagsasama at mahusay naman ang lahat. Iisang buwan pa lamang nakapanganak ang asawa ng panganay nilang anak. Tapos bigla na lang iyon namatay.At least bago nailibing ang kanyang asawa ay naging maayos na ang disposition ni Wowie. Maaaring hindi pa rin normal ang lahat, pero makapagpapatuloy na ang buhay.