Thursday , June 4 2026

Anak nina Greta at Miguel, endorser na rin

ni Ed de Leon

ANG bilis talaga ng panahon. Isipin ninyo iyong anak ni Gretchen Barretto na teenage star lamang noong araw, at iyong anak din ng yumaong si Miguel Rodriguez ang siyang ipinakilala ngayong mga endorser ng bagong inilabas na whitening lotion. Iisipin mo bang sina Gretchen at Miguel ay mayroon nang mga anak na ganoon kalaki?

Roon din sa launching na iyon, naroroon ang actor na si Richard Gomez, kasama ang anak na si Juliana, na 13 years old na rin pala. Kaya nga binibiro si Goma, paaano kung ang anak niya ay biglang may makilalang lalaking kasing pogi niya, ano ang gagawin niya? Nagtawa na lang ng malakas si Goma sabay sabing “siguro iiyak ako”.

Ang bilis talaga ng panahon. Isipin ninyo iyong mga bata pa noon, mga binata’t dalaga na rin ang mga anak ngayon. At sa showbusiness hindi mo maitatago ang ganyan, dahil tiyak iyon may kukuha nga sa mga anak nila para gawin ding artista o commercial models kagaya nga nina Dominique Cojuangco at Sam Rodriguez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …