IYONG ABS-CBN naman ang husay gumawa ng mga drama. Maski nga ang dati nilang kalaban noong may prangkisa pa sila, iyong GMA bilib sa pagka-creative nila eh. TIngnan ninyo kung hindi eh, hindi ba ang lahat ng nawalan ng trabaho sa Ignacia tumalon na sa Kamuning at sila ngayon ang mas may trabaho kaysa mga lehitimong taga-GMA 7? Magaling ng ksi silang gumawa ng drama.
Pero bakit pumalpak sila sa drama ni Maris Racal? Sino ba ang gumawa ng script sa idiot board at nagdirehe ng apology? Hindi pinag-aralan nang husto ang pangyayari. Ano akala nila riyan parang Batang Quiapo lang na kahit ano ang maisipan puwedeng isaksak?