HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Huwag namang ganoon, kawawa si Julia. Hindi dapat isabak sa ganoong laban ang isang artista kung hindi naman niya kaya. Kay Juday na lang iiwanan siya ng milya- milya kay ate Vi pa?
Alam ba ninyong maski nga sa karera ng kabayo may kanya-kanyang grupo sila. Iyong nasa grupo uno ay hindi kailanman ilalaban sa nasa grupo bente quatro. Lalo na hindi ilalaban sa mga kabayong pangarera ang isang sanay lamang sa karetela, dahil ano ang laban niyon?
Maski na sa sabong, hindi mo ilalaban sa manok na Texas ang isang manok na inahen. Bayaan mo na lang iyong mangitlog mas may pakinabang ka pa.
Ang ibig naming sabihin, huwag masyadong mag-ambisyon Hindi puwede iyong basta may masabi lang. Isipin ninyo, kawawa ang artista ninyo. Ano na ba ang napatunayan ni Julia? Natangay lang naman iyan ni Joshua Garcia hindi ba? Kung hindi naman ay ano pa nga ba? Sinubukan na nila iyang magpa-sexy hindi rin kinagat ng masa iyan pang ilalaban mo sa mga beterano. Parang isang sundalo na dadalhin mo sa isang giyera na ang dala lamang ay sumpit at tirador.
Huwag ganoon, kawawa si Julia, lalabas na ilalampaso lang siya.