Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Isa po akong working mother, ako po si Ryza Mendaro, 31 years old, taga-San Pedro, Laguna.
Pakiramdam ko po biglang nagbago ang panahon kasi biglang nakasagap ng grabeng sipon ang dalawang anak kong toddler, isang 4 years old at isang 2 years old. Grabe po talaga, runny nose kung runny nose. Pero dahil hindi ko pa nadadala sa pedia, ang ginawa ko po hinaplos nang hinaplos ko ng Krystall Herbal Oil.
Ang ginawa ko pong paghahaplos at pagmamasahe ay mula sa ulo hanggang sa dibdib, sa kanilang mga braso at mga talampakan. Tapos sa likod. Pagkatapos po ay sinuob ko ng mainit na tubig na tinimplahan ko ng Krystall Nature Herbs.
Pamaya-maya po ay naramdaman kong guminhawa na ang mga anak ko at nakatulog nang mahimbing. Paulit-ulit ko pong ginawa ang pagmamasahe tatlong beses isang araw hanggang umigi ang kanilang pakiramdam. Hindi naman po nilagnat kaya ipinagpalagay kong walang impeksiyon at sigurado po akong naagapan sa pagremedyo ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs.
Maraming, maraming salamat po Ma’m Fely dahil napakalaking tulong ng inyong mga imbensiyon sa pangangalaga ng aming kalusugan.
God bless po.
RYZA MENDARO
San Pedro, Laguna