Thursday , June 4 2026
Karla Estrada Jam Ignacio DJ Jellie Aw

Karla nagmumukhang kawawa sa pagbandera sa GF ng dating BF 

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMALABAS namang mukhang kawawa ang nanay ni Daniel Padilla, iyong dating boyfriend ng nanay niya na may bago na ngayong girlfriend ibinabandera pa sa social media at ipinakikitang sweet na sweet. Siguro may karapatan namang magmalaki ang boyfriend dahil ang syota niya ngayon ay higit na bata at mas sexy kaysa kay Karla Estrada at mukhang nagda-dalaga pa lang. Pero dahil sa mga bagay na iyon, nagmumukha namang cougar si Karla.

Noong araw sinasabing ang bata-bata ni Karla kaysa kanyang mga syota, kabilang na  ang isang dating congressman na tatay ng isa niyang anak. Ngayon nabaliktad na, siya naman ang sinasabihan ng cougar.

Unfair naman kay Karla iyon sana naman naging discreet lang ang dati niyang boyfriend pero ano nga ba ang magagawa niya eh split na sila.

Kaya dapat siguro ngayon mag-iingat na sa mga nanliligaw sa kanya, dahil ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa kanya ay apektado ang mga anak niya.

At saka sana huwag na siyang kukuha ng syotang mas bata kaysa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …