ni Ed de Leon
IPINAGMAMALAKI ng isang young male starlet na suma-sideline rin bilang car fun boy na naging client daw niya ang isang magandang female movie star na halos kasing edad lang niya.
Akala niya noong una ay stir lang at niloloko lang siya ng nagma-match sa kanila.
Bakit nga ba ang isang ganoon kaganda, bata at sikat pang artista ay maghahanap ng ligaya sa isang gaya niya, at magbabayad pa?
Pero nagulat daw siya nang ang female star nga ang sumundo sa kanya sa kanilang meeting place. Dinala raw siya niyon sa isang condo sa Ortigas, at doon naganap ang kanilang milagro.
Pumapalakpak ang tenga ng male starlet dahil sinabi naman daw ng female star na nasiyahan siya at sinabi pang mas magalings siya kaysa boyfriend niyong basketball player, at mas malaki raw ang kanyang future kaysa isang sikat na actor-matinee idol sa ngayon. Binayaran pa raw siya ng female star ng P20K gaya ng usapan at sinabi sa kanyang basta hindi siya busy sa shooting at mga show ay tiyak tatawagan siya niyon ulit.
Mukhang gusto pa raw siyang syotain ng female star at siyempe palakpak naman ang tenga niya.