Friday , September 20 2024
James Reid Nadine Lustre Jadine

James balik-acting, ayaw nang makipag-loveteam kay Nadine

HATAWAN
ni Ed de Leon

BABALIK daw sa acting si James Reid, pero ayaw na niya ng may ka-love team. Sinabi na rin niya nang diretsahan, huwag nang umasa pa ang fans, tatanggihan niya ang kahit na anong project na kasama ang kanyang ex live-in partner na si Nadine Lustre, bilang repeto na rin daw sa syota niya ngayong si Issa Pressman

Siguro affected pa rin hanggang ngayon si Issa dahil isipin mo nga naman apat na taong magka-live-in iyong dalawa at kung magkakasamang muli nariyan na naman ang pambubuyo ng fans, ng mga direktor, at producers din dahil alam nilang malaking potensiyal ng JaDine basta nagsama. Wala pa naman halos followers iyang team up ni James at ni Issa, talagang personal lang nila.

Sa panahong ito hindi na nga maiiwasan ni James ang acting, dahil doon siya sumikat kahit na ang ambisyon niya ay mas makilala bilang isang singer. Hindi naman kasi siya umangat bilang singer sa ilalim ng kanya mismong Careless Music. Ngayon inaamin niyang nabudol pa siya ng mga P100-M ng dati niyang partner na Koreano si Jeffrey Oh, na nagsabi ring kaya nilang gawing stars sa Hollyood siLiza Soberano.

Aminin natin ang katotohanan, sumikat naman iyang si James dahil guwapo siya. Hindi naman siya magaling na singer. Limitado rin ang roles na magagawa niya dahil bulol pa siyang mag-Tagalog hanggang ngayon. Hindi naman siya puwedeng action star. Talagang sa aminin man niya o hindi, nag-click siya dahil sa love team nila ni Nadine. Nagkaroon ng kilig eh. Kasi iyong una nilang pelikula, pinapangit si Nadine, tapos naging syota niya si James. Medyo umasa iyong mga hindi kagandahan na maaari pala silang magkaroon ng syotang gaya ni James, kinilig sila. Iyon lang naman iyon eh, walang special sa pelikulang iyon. Si Nadine matagal na iyan sa Viva, kung sino-sino na nga ang nakasama niyan na ka-love team pero kay James lang siya nag-click kasi nga pogi talaga si James. Si James naman nanalo iyan sa PBB pero hindi rin nabigyan ng chance sa ABS-CBN. Alam nila malabo pa siyang magkaroon ng career eh. Oo nga guwapo pero hindi pa marunonbg umarte, isa pa masyadong Kano ang hitsura, limitado lang ang maaaring gawing roles, ‘di gaya ni Daniel Padilla. Kaya kahit noong una, kung napansin ninyo ipinasok ng Viva iyong JaDine sa GMA 7 eh, hindi interesado sa kanila ang ABS-CBN. Nagkaroon lang ng interes ang mga iyon nang sumikat silang bigla, nakalaban sila ng KathNiel at kailangan hawak din sila ng ABS-CBN. Nilayasan nila ang GMA 7, at lumipat nga sa Madre Ignacia. Okey naman ang lipat nila dahil tumaas ang kanilang popularidad. Dumami lalo ang projects dahil sa mga joint venture ng Viva at ABS-CBN.  Kaya lang naiba ang priorities ni James. Naisip siguro niya na sa status ng  kanyang popularidad noon ay mas magiging ok kung solo na lang siya.  

Nagtayo siya ng sarili niyang kompanya, siguro nanghihinayang din siya sa komisyong kailangang ibayad niya sa Viva. Siguro naisip niyang mas mapapalaki niya ang bayad sa kanya kung mawawala na ang kanyang Viva contract at makakapag-sarili siya. Roon din pumasok ang tatay niya, na noong una ay siya raw ang magpapatakbo ng kanilang talent management company. Sino nga ba naman ang makakakuwestiyon kung tatay niya ang manager niya? Hindi pa noon pumi-picture ang Koreanong si Jeffery. 

Noong una akala nila ay makukuha si Nadine, dahil siyempre gusto rin niyong sumama sa syota niya. At saka dalawang pelikula agad na hindi niya kasama si James nangamote sa takilya. Nagkaroon pa ng demandahan, idinemanda ni Nadine ang Viva para makawala siya sa kontrata sa kanila, pero wala siyang nagawa nang sabihin ng korte na valid ang kontrata sa kompanya hanggang 2029, na piniramahan nila ng tatay niya. Nawalan ng potential star ang Careless. Nauwi rin iyon sa split nina James at Nadine, na noong una pra la la lang pero natuluyan. Nagkaroon ng bagong boyfriend si Nadine, si Christoph Bariou na may cancer naman pala at may taning na ang buhay. Pero sinamahan siya ni Nadine na halos tumira na rin sa Siargao at napabayaan din ang career. Hanggang sa natalo nga sa kaso, nagbalik sa Viva at sinuwerte naman kumita ang pelikula at nanalo pang best actress. Okey na naman ang career ni Nadine.

Si James ang para ngayong hinahango sa ilog ang career, pero palagay namin makaka-survive iyan. Kaya lang huwag na muna siyang mamili ng roles. Talagang lover  boy roles lang ang magagawa niya sa ngayon, unless gumawa na rin siya ng mga BL movie, na kikiliti naman sa mga bakla.

Ang kailangan ni James ngayon ay isang magaling na career planner, at may karanasan din sa PR. Dahil aminin natin hindi ganoon kaganda ang relasyon niya sa media, at hindi naman siya magsu-survive kung ang aasahan niya ay social media lamang. Doon na nga siya bumagsak eh, puro social media siya sa kanyang music, kaya walang nakaalam.

Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari sa kanyang pagbabalik.

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 50th mural painting

16 artista sa MMFF mural painting kinuwestiyon; Sharon, Juday, Aga inisnab

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TAWAG-PANSIN at tiyak may iintriga sa 16 na mga artists …

Angela Morena Butas

Angela nahuhusgahan sa pagiging Vivamax star

RATED Rni Rommel Gonzales BUTAS ang titulo ng bagong proyekto ni Angela Morena kaya tinanong namin ito kung …

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Judy Ann sa pagtanggap ng Espantaho — overwhelm ako sa cast at nae-excite

RATED Rni Rommel Gonzales HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap …

Pia Cayetano Boy Abunda CIA with BA

Paalala ng ‘CIA with BA’: Barangay officials, maaaring mag-isyu ng VAWC protection order

MULING iginiit ng talk show at public service program na CIA with BA ang mahalagang papel ng …

Joel Umali Peña Mark Leviste

100 Hope tampok sa Big Ben’s 100 Days Before Christmas ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DINUMOG ng mga Lipeño ang Christmas Tree Lighting and 100 ‘Hope’ …