Thursday , June 4 2026
Dear Satan MTRCB

Dear Satan produ pwede pa umapela sa MTRCB

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO nga malungkot ang mga producer ng pelikulang Dear Satan dahil sa ikalawang pagkakataon na ang pelikula ay ni-review ng MTRCB, muli iyong binigyang ng classification X ng reviewers na pinamunuan ni Richard Reynoso. Ipinaliwang nila na hindi ang title ang objectionable sa kanilang tingin kundi ang content ng pelikula mismo.

Sa ganyang sitwasyon, ang producer ay may option pa naman para hindi matapon ang kanilang pelikula. Maaari silang mag-reshoot para baguhin ang mga bahaging objectionable, o kaya ay umapela sa board en banc, para ang pelikula ay panoorin na ng lahat ng members ng board. Kung sa review en banc ay bigyan pa rin sila ng X, maaari pa silang umapela sa review committee sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas,  na ang uder secretaries ng Defense, Education, at Justice ang manonood ng pelikula. Pagdating doon hindi na namin masasabi kung ano ang mangyayari dahil sa natatandaan namin iilan pa lang pelikula ang  iniapela hanggang sa review committee ng Office of the President at wala pa kaming natatandaang desisyon nila na binaliktad ang desisyon ng MTRCB. Ang pinaka-maganda na lang diyan, makipag-usap sila sa mga miyembro ng MTRCB, alamin nila kung ano ang objectionable na sinasabi at mag-reshoot na lang sila ng pelikula.

Mas ok na iyon kaysa mabasura ang buong pelikula nila at hindi na makabawi sa puhunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …