Thursday , June 4 2026
Anne Curtis Erwan Heusaff

Anne at Erwan enjoy sa bakasyon sa SG, ‘di totoong hiwalay 

HATAWAN
ni Ed de Leon

HABANG panay ang tsismis ng mga marites at pagkakalat ng fake news ng mga blogger on line na hiwalay na nga raw si Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Heusaff, enjoy na enjoy naman pala ang dalawa sa kanilang bakasyon sa Singapore. Nag-post pa si Erwan sa kanyang social media account ng pictures nilang dalawa habang kumakain sa isang restaurant. 

Nauna rito may post na nga rin si Erwan na nagsasabing hindi totoo ang tsismis at nagkakasundo sila ni Anne. Medyo inamin niya na hindi nga lang daw sila naging masyadong active sa pagpo-post sa social media kaya baka may nag-isip na ng kung ano-ano.

In the meantime hindi naman maitatago na may problema rin si Anne dahil ang kanyang Mommy Carmen ay may sakit at nasa ospital ngayon  sa US. Bagama’t ang lumabas na picture ng mommy niya ay may nakakabit sa oxygen, hindi naman nila sinabing malubha ang kalagayan niyon. Humingi lamang si Anne ng panalangin para sa mother niya.

Ang maganda nga kay Anne, sa kabila ng kanyang pagiging isang artista at may regular tv show, hindi  naman niya napapabayaan ang kanyang pamilya, ang kanyang asawa’t anak, at maging ang magulang niya. Nabibigyan niya ng panahon ang lahat ng iyan. Kung sa bagay, sinabi naman ni Anne na simula noong mag-asawa na siya ang binibigyan niya ng priority talaga ay ang pamilya niya. Hindi ba nagbakasyon na siya para magka-anak at muling nagbakasyon ng matagal para maalagaan muna ang kanilang anak. Tinotoo naman ni Anne ang lahat ng sinabi niya.

At suwerte na rin naman siya kay Erwan na naiintindihan ang kanyang career. Kung sa bagay, artista na si Anne noong niligawan niya, at ang kapatid niya ay artista rin naman kaya naiintindihan niya ang buhay sa showbusiness. Palagay namin iyon ang dahilan kung bakit nagkakasundo silang dalawa, sorry na nga lang sa mga marites na mahilig sa fake news.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …