Thursday , June 4 2026
Sandro Muhlach Cebu

Sandro okey ang ginawang bakasyon sa Cebu

HATAWAN
ni Ed de Leon

OKEY naman talaga ang magbakasyon muna si Sandro Muhlach sa ibang lugar para malibang muna siya matapos ang katakot-takot na imbestigasyong hinarap at may nadarama pa siyang trauma. Kasama ang buong pamilya niya, nagbakasyon sila sa Cebu.

Hopefully makatulong nga kay Sandro ang kanyang bakasyon. Sana nga ay maibsan na kahit paano ang nadarama niyang trauma dahil tiyak iyon paulit-ulit na naman siyang tatanungin ng nangyari sa kanya sa pagharap nila sa korte at napakabigat na dalhin sa damdamin ng isang tao ang mga bagay na kagaya niyon.

Lalo pa ngayon na sinasabayan pa ng mga naninira sa kanyang kredibilidad. Ganoon naman talaga kung may kaso ka sa korte, may mga taong naghahangad na panghinaan ka ng loob at masira ang kredibilidad mo. Kung sa bagay, alam naman nila iyon at naisumbong na rin niya sa cyber crime division ng NBI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …