ni Ed de Leon
KAHIT pala sa isang kilalang gay website ay pinag-uusapoan ang pagiging ‘rent boy” at “gay for pay” ng isang male starlet. Kaya naman pala hindi siya maka-angal kahit na ikinakalat ng isang showbiz gay ang kanilang naging relasyon.
In the first place may “resibo nga raw“ ang showbiz gay, katunayan na siya nga ay naging boytoy niyon. Sinasabing ang showbiz gay daw ang umayaw sa male starlet dahil kahit na may relasyon sila ay hindi pa rin iyon tumitigil bilang isang car fun boy.
Natakot din siyempre ang showbiz gay na baka magkasakit pa siya at mahawahan pa siya niyon. Isipin mo nga naman kung kani-kanino sumasama basta babayaran siya. Masyado kasing mataas ang ambisyon ng male starlet eh, gustong magkaroon ng magarang kotse at makabili ng malaking bahay agad eh wala naman siyang kinikita halos sa mga ginagawa niyang indie at para matupad ang kanyang ambisyon agad, kailangan niyang sumama sa kahit na sinong bading na nakahandang magbayad sa kanya. Alam din naman ng male starlet na tumatanda na siya at kung matanda na siya sino pa ba ang magkakaroon ng interes sa kanya? At sa totoo lang wala naman siyang maipagmamalaking interesting.