ni Ed de Leon
AY ano ba namang kabalahuraan iyan, pagpasok mo sa bahay ng isang showbiz gay ang mabubungaran mo ay ang picture niya na nakayakap sa isang poging bagets na hubo’t hubad. Iyon daw ang kanyang trophy boyfriend sabi ng bading. Nakilala pala niya ang bagets years ago noong iyon ay nag-aaral pa lang at ilang taon din silang naging mag-on hanggang sa makuha nga iyong mag-artista sa mga indie.
“Mawala man siya ok lang sa akin, tutal nagawa ko na sa kanya ang lahat ng gusto kong gawin at nakuha ko na ang lahat ng gusto kong makuha,” pagmamalaki pa ng bading.