Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Phillip Salvador Bona Cinemalaya 2024

Nora ‘di dapat dumadalo sa mga event na hindi nakaayos

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG tingin namin mukhang mali iyong ipinakita pang hindi na halos makalakad si Nora Aunor at itinutulak na lang sa isang wheelchair nang magtungo sa CineMalaya para sa screening ng restored version ng Bona.

Sa loob ng theater makikita ang maraming bakanteng upuan sa screening ng kanyang pelikula kaya hindi maipakita sa video ang audience area. (Apat na sinehan daw po ang pinaglabasan na puno lahat, ng Bona—Ed). Hindi man lang yata nagkaoon ng talk back pagkatapos ng pelikula, bagamat narooon si Nora  na hirap na ring magsalita.

Parang kabaliktaran iyon ng punompunong Archivo Gallery sa Makati na ginanap ang isang exhibit lamang ng mga memorabilia ni Vilma Santos. Iyon ay dinaluhan din ng ilang kaibigang artista ni Ate Vi at nagkaroon ng isang mahabang talk back with the media. Kaya kinabukasan iyon ang laman ng mga diyaryo at maging ng social media.

Ewan kung bakit ipinakita pa nila ang tunay na kalagayan ni Nora na hindi na makalakad ng maayos at kailangang isakay sa isang wheel chair. Ewan din naman kung bakit sumisipot pa siya sa mga event nang hindi nakaayos. Kung inaakala nilang makukuha niya ang simpatya  ng tao dahil mukhang kawawa naman siya sa ayos niya ay nagkakamali sila. Sa ginagawa nilang ganoon ay lalong nahahalatang wala na sa kondisyon si Nora at lumipas na ang kanyang panahon. 

Kung ganoon ang makikita ng publiko at maging ng mga film producer lalong wala nang kukuha sa kanya dahil mahina na pala ang katawan niya, at napabayaan na rin ang pag-aayos niya ng sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …