HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI pa natatapos ang kaguluhan sa GMA 7 dahil sa sinasabing panghahalay ng dalawa nilang independent contractor sa kanilang star na si Sandro Muhlach. Umarangkada naman ang reklamo ng isang talent laban sa isang program manager ng TV5.
Inireklamo ng panghahalay ng isang talent/researcher ang kanilang program manager ng panghahalay. Ang nakatatawa dumulog iyon kay Senador Raffy Tulfo na ang programa ay nasa One PH na sister company ng TV5.
Pero may order daw ang TV5 management na huwag magbibigay ng anumang statement tungkol sa reklamo hanggang hindi natatapos ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
Nagsalita naman si Senador Tulfo, kung pagtatakpan ng TV5 ang inirereklamong program manager, magre-resign na lang siya sa kanyang programa sa radio sa sister company ng TV5.
Ewan kung ano ang mangyayaring kasunod pero ang balita na-terminate na ang independent contractor na nagsumbong kay Tulfo.
Hiniling din ni Sen Raffy sa TV5 management na suspindehin muna ang program manager habang isinasagawa ang imbestigasyon.