Thursday , June 4 2026
Gerald Anderson PCG Coast Guard

Gerald Anderson kinilala kabayanihan, Search and Rescue medal iginawad ng PCG

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY award na natanggap si Gerald Anderson mula sa Philippine Coast Guard dahil sa kanyang ginawang pagliligtas ng mga pamilyang biktima ng baha noong kasagsagan ng bagyong Carina. Pinagkalooban siya ng PCG ng “Search and Rescue” medal. Iyon ay isinabit sa kanya ng mismong Commandant ng Coast Guard na si Admiral Ronnie Gil Gavan.

Sa kasagsagan ng bagyong Carina nang wala nang mangahas na magsagawa pa ng rescue sa mga kababayan nating nalulubog sa baha, si Gerald bilang isang reservist ng Cost Guard ay buong kabayanihang nagsagawa ng rescue oprations kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Ilang pamilya rin iyong nailigtas nila gamit ang isang maliit lamang na life boat diyan sa Biak na Bato sa Quezon City. Kabilang pa sa nailigtas nila ang isang batang dalawang taong gulang lamang at ayaw nang tumigil sa kaiiyak dahil sa takot sa malalim na baha. 

Hindi sila tumigil hindi alintana ang sariling kaligtasan hanggang hindi nila nailigtas ang lahat ng mga biktima ng baha sa lugar na iyon. At least, kinilala na siya ng Coast Guard. Iyong Quezon City government, hindi ba nila pararangalan angaktordahil sa kabayanihan nito?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …