Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez

Sex video raw ni Mark Anthony pinagkakaguluhan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO nga ang masasabing pinaka-malaking issue sa ngayon na pinag-uusapan kahit pa malakas ang bagyo at may baha ay ang kumalat na sex video ni Mark Anthony Fernandez. Nakita namin ang video pero kahit na ganoon dahil hindi pa naman niya inaamin na siya nga ang nasa video sasabihin nating iyon ay “allegedly si Mark Anthony Fernandez.” 

Hindi mo naman masasabi sa ngayon kung totoo o hindi ang nakikita mo sa video. Uso na kasi ang mga AI. Nagagaya na nila ngayon sa video ang mukha ng isang tao.  Hindi ba ganoon ang sinasabi ng mga endorser ng kung ano-anong ipinagbibili sa internet lalo na iyong mga gamot hindi raw sila iyon kundi AI lamang kahit na sila mismo ang nakikitang nagsasalita sa mga video.

Noong isang araw, pareho ring naglabas ng findings ang NBI at ang PP Cyber Crime division ng statement na ang ipinakitang video ng isang taong gumagamit ng droga batay sa kanilang pag-aaral ay hindi si Presidente Marcos. Malaki raw ang kaibahan ng tenga, ng mata, at ng sideburns o patilya ng presidente sa tao sa video na ipinakita sa isang Maisug rally sa abroad. Iyan ang matagal nang sinasabi ng mga blogger na video ng presidente na ilalabas nila at iniugnay pa nila sa pangyayaring iyon si Maricel Soriano na matapang namang hinarap ang imbestigasyon ng senado. 

Kaya kung ang mga iyan ay sinasabing ginamitan lang ng AI, unfair naman dahil sa nakita lamang nating mukhang si Mark nga ang nasa sex video ay tukuyin nating siya na nga iyon. Maliban kung aaminin niyang ginawa nga niya iyon.

Pero kung si Mark nga mismo ang nasa video na iyon ang susunod na katanungan ay kung bakit kaya niya nagawa iyon? Hindi masasabing pinagkakitaan niya iyon, dahil kumalat naman ng libre lang sa mga social media platform. 

Hindi mo naman masasabing may nag-produce niyon at binayaran si Mark at magkano ang magiging talent fee niya sa ganoon? Kung si Mark nga iyon nakatatawa mang isipin wala siyang kinita roon sa video na iyon. Kumalat na lang ng ganoon sa social media eh.

Kung hindi naman siya iyon sino nga kaya iyong malakas ang loob na iyon na gumawa pa ng fake video na nagsimula pa ng fake news?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …