ni Ed de Leon
ISANG netizen ang nagpadala sa amin ng message at nag-tip off na kumakalat na naman daw ang isang sex video scandal ng isang baguhang male star na bida ngayon sa isang gay series.Tiningnan namin ang link at naroroon nga ang isang dati nang video na makikita mo siyang nagse-self sex.
Ayon sa male starlet, may ka-video call daw siyang isang babae noon at hindi niya alam na inire-record pala siya at iyon nga ang kumalat.
Noong una ay ipinagbibili ang video na iyon hanggang sa kumalat na nga at nai-download na ng iba’t ibang tao. Natutuwa nga ang male starlet na mukhang nawala na ang kopya at nakalimutan na rin ng mga tao, pero siguro nga may nakapag-download, naitago ang kopya at ngayon ay lumalabas na naman sa isang gay porno site, mas malinaw pa kaysa mga kopya noon.
Kawawa naman ang mga nabibiktima ng ganyan. Hindi naman nila pinagkaperahan iyon kundi pinagkaperahan ng ibang mga tao at nabuko pa ang kanilang hidden secrets.