Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Lucy Torres

Richard nawala nga ba kagwapuhan at ningning nang pumasok sa politika?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWAG ang aming pansin ng comment ng dating kasamahang si Ronald Carballo na nagsabing kung si Richard Gomez daw ay hindi pumasok sa politika at nanatiling isang actor, hindi niya mapababayaan ang sarili at tiyak na poging-pogi pa rin naman siya ngayon at sikat na artista pa.

Kanya-kanyang opinion iyan at sa tingin namin hindi naman nabawasan ang pagiging pogi ni Goma siguro nga kung magkakaroon lang ng contest lalabas na siya pa rin ang pinaka-poging congressman sa ngayon. In fact, mas nagkaroon pa nga ng distinction dahil kung nanatili siyang artista, isa lamang siya sa pinaka-poging actor sa ngayon. Dahil congressman, siya ang pinaka-pogi talaga. Kahit naman noong mayor pa siya sa Ormoc eh, sinasabing siya ang pinaka-poging mayor sa buong Pilipinas. Kagaya nga ngayon sinasabing ang asawa niyang si Lucy Torres Gomez ang pinaka-maganda namang mayor sa buong bansa. Wala nang pagtatalunan doon, hindi na mayor si Ate Vi (Ms Vilma Santos) eh.

Siguro nga hindi na nila nakikita ngayon si Goma na sexy at machong-macho sa kanyang mga picture kagaya noong araw na nagmomodelo pa siya ng isang local underwear brand pero ang tindi naman ng asenso niya. Sino pa ba naman ang maniniwala na ang isang kinikilalang opisyal ng gobyerno na milyon na rin ang ari-arian at residente ng Forbes Park bukod sa Ormoc ang gagamit pa ng local underwear? 

Siyempre sabihin man niyang oo hindi na maniniwala ang tao. Maski noon naman eh, sinasabi nilang nagsusuot lang ng ganoon si Goma dahil sa kanyang endorsement. Pero tanungin ninyo ang dating bruhang secretary ni Kuya Germs na si Chuchi Fajardo, may kuwento siyang ganyan nang minsang gumanap na Kristo si Goma sa Lenten presentation noon ng GMA Supershow.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …