ni Ed de Leon
TAMA ang aming suspetsa, kaya siguro sinisiraan ng isang tv host na bading ang isang male starlet ay dahil nag-ilusyon siya roon at hindi siya nagtagumpay. Kaya marami siyang kuwento at marami siyang alam dahil stalker siya ng male starlet. Kaya pala pati kami ay pinapaamin niyang pilit na may mga scandal na nagawa ng male starlet na kinunan ng isang bading na mayaman na kakilala namin.
Hindi naman ibig sabihin kung kakilala namin ang bading o sabihin mang kaibigan namin ay malalaman namin ang lahat ng ginagawa niyon pati mga personal na bagay.
Malakas kasi talaga ang appeal ng male starlet sa mga bading pero alam kaya nila na ang male starlet ay may pagka-bading din?