Friday , October 18 2024
Eva Darren FAMAS Marissa Delgado Divina Valencia

FAMAS dapat ibalik nagastos sa dinner ni Eva Darren

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO ang dapat gawin ng FAMAS sa kanilang naging palpak na naging dahilan ng kahihiyan ng aktres na si Eva Darren?

Hindi mo masasabing basta artista lang si Eva dahil sumikat siya noong kanyang panahon. Natatandaan namin noong grade two yata kami, iyong kanyang serye sa telebisyon ang aming napapanood pagdating ng gabi. Love story iyon na ang role niya mala-Sharon Cuneta. Iyong Larawan ng Pag-ibigkapartner si Willie Sotelo at idinirehe ni Jose Miranda Cruz

Nang isalin iyon sa pelikula malaunan ay kasama rin si Eva, bagama’t ang naging bida na ay si VIlma Santos.

Nanalo rin siya sa FAMAS bilang best supporting actress noong 1969 sa pelikulang Ang Pulubi na ang star ay si Charito Solis sa ilalim ng Nepumuceno Productions. Kaya hindi basta-bastang aktres iyang si Eva.

Ito ang masakit, kinumbida siya ng FAMAS para maging presentor sa kanilang awards, binigyan siya ng script na pag-aaralan at sinabi pa sa kanyang ang magiging co-presentor niya ay si Tirso Cruz III.

Siyempre bumili ng damit at sapatos na gagamitin si Eva para sa awards. Sigurado nagpa-make up pa iyan. Nagpunta siya sa awards na kasama ang kanyang tatlong apo, at dahil doon gumastos pa siya ng P20K para sa dinner nilang apat. Ganoon na pala ang kalakaran sa awards ngayon, kukumbidahin ka bahala ka sa gastos ng damit at pagpapa-ayos mo, at babayaran mo pa ang kakainin mo. Noong araw, sinasagot nila ang gown na gagamitin ng artista at pagdating doon aasikasuhin nila at hindi naman pagbabayarin pa ng kakainin. Pero nagyon siguro nga wala silang budget, ok lang iyon kahit na hindi magandang tingnan. Pero iyong pagkatapos mai-isnab ka pa, hindi ka tatawagin at papalitan ka pa ng isang mas hindi kilala, aba malaking insulto na iyon. 

Tapos ni hindi pa siya kinausap, wala man lang humingi ng dispensa pagkatapos ng show. Kung hindi pa umangal ang anak ni Eva sa social media wala kang maririnig na sorry mula sa FAMAS at ang katuwiran naguluhan na raw sila at hindi nakita si Eva noong kailangan na siya kaya pinalitan na lang nila.

Hindi ba dapat ang mga presenter ay iniipon nila sa isang lugar para madali silang hanapin? Mukhang malabong katuwiran nga yata iyong hindi siya mahanap noong kailangan na. Parang kasalanan pa ni Eva dahil kung saan siya umupo.

Malabo iyan. Palagay namin hindi sapat iyong nag-sorry lamang ang FAMAS, dapat isauli ang nagastos ni Eva, iyon ay kung mahihiya sila. Iyong istorbo, maaari nang ihingi ng sorry iyon, pero iyong pinagastos pa, aba eh kahit iyon man lang panagutan ninyo.

Riyan sa mga bagay na iyan napupuri namin ang SPEED kasi maayos sila sa pagsalubong sa kanilang mga bisita. May mga miyembro silang nag-aasikaso kung saan dapat umupo ang bawat isa. 

Nakahanda rin ang pagkain nila para sa mga gustong kumain. Nasa sistema talaga iyan eh at kailangan pinaghahandaan talaga dahil alalahanin ninyo ang mga bisita ay hindi mga basta-bastang tao, mga artista iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Marian Rivera Balota

Marian inspirado pang tumanggap ng indie film projects 

RATED Rni Rommel Gonzales SA Balota na pelikula ng direktor na si Kip Oebanda na pinagbibidahan ni Marian Rivera ay super-deglamourized …

Abot Kamay Na Pangarap

Abot Kamay Na Pangarap magbababu na sa ere; Jess Martinez wish ang youthful genre

RATED Rni Rommel Gonzales SA Sabado, Oktubre 19 ay mamamaalam na sa ere ang GMA top-rating drama …

Lovi Poe JM de Guzman Jameson Blake

JM, Jameson nagpatalbugan sa pagpapakita ng puwet

RATED Rni Rommel Gonzales GUILTY as charged si Lovi Poe. Sa anong kaso? Sa pagiging napakahusay …

Mr Grand Philippines 2024

Mr Grand Philippines 2024 mas pinalaki, pinabongga

MATABILni John Fontanilla GUWAPO at matatalino ang 37 candidates ng 2024 Mister Grand  Philippines na humarap sa …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis Trillo agaw-eksena ang pa-crop top sa Disneyland

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng netizens ang pagsusuot ni Dennis Trillo ng nauusong crop top sa mga …