Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Sunshine Cruz

Sunshine parang si Vilma habang nagkaka-edad lalong nagmumukhang bata

HATAWAN
ni Ed de Leon

GRABE talaga ang mga troll. May nagsasabi ngayon na hindi na raw yata nahihiya si Sunshine Cruz dahil may edad na ay umaasal pang parang bagets pati sa kanyang pananamit at ayos. Pero kung gagamitin lang nila ang utak nila at mga kung wala pa silang kulaba sa mata mukha ba namang may edad na si Sunshine?

Kung sabihin nga nila si Sunshine daw ay parang si Vilma Santos din, nagkaka-edad pero mas nagmumukhang bata at gumaganda. Hindi siya nagmumukhang hukluban na kagaya ng iba na gustong manahin ang trono ni Lilia Cuntapay bilang horror movie superstar.

Halibawa ba si Sunshine ay bigyan mo ng role ng isang chimimi o isang mangkukulam may maniniwala ba sa kanya? Iyong gandang iyon magiging alagad ng kadiliman? Hindi ha, ibigay na natin ang mga role ng mambabarang, mangkukulam, at aswang doon sa nababagay ang hitsura.

Iyon nga lang role ng nanay hindi pa magiging convincing si Sunshine eh dahil mukha siyang batam-bata pa. Para pa ring noong panahon niya sa That’s Entertainment. Kasalanan ba niya kung talagang maganda siya at marunong siyang mag-alaga sa kanyang katawan?

Hindi pa naman si Sunshine iyong mukhang huklubang itinutulak na lang sa isang wheel chair at hindi na makalakad. Iyong lumakad lang ng kaunti ay hihingalin na, kasi naman eh. Matatanda na panay pa ang toma at singhot. Eh si Sunshine, bukod sa bata pa ay clean living naman talaga kaya hindi tatanda iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …