Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon

NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin alam na may isang male model na nagpakasal din sa abroad sa isang Pinoy showbiz personality. Matagal naman silang magkasundo at walang problema hanggang sa ang gay showbiz personality na rin ang humimok sa male model na magkaroon ng girlfriend at magkaroon ng anak.

Paano kung tumanda na kami? Sa akin ok lang pero sino ang titingin sa kanya kung wala siyang anak? Kaya ako mismo ang kumumbinsi sa kanyang mag-asawa na siya,” sabi ng showbiz gay.

Nag-asawa nga ang male model, isang Pinay din naman at nagpakasal sila sa abroad pero sa ibang estado dahil kasal nga ang male model sa gay sa US. Ok naman ang kanilang pagsasamahan. Magkasama ang male model at ang kanyang asawa, pero hindi rin naman iniwan ng male model ang showbiz gay na halos dalawang dekada na niyang kasama. 

Dalawa ang asawa ng male model, siyempre ang role niyong babae, “ako legal wife,” at ang role naman ng bading, “Ako original na asawa.” Ang gulo hindi ba? Pero kung happy ba sila eh ano ang pakialam natin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …