ni Ed de Leon
NAAWA naman kami sa isang male starlet. Kailangang-kailangan niya ng pera at nasabi niya iyon sa isang inaakala niyang kaibigan. Nag-alok naman ng tulong iyon kung saan niya maaaring makuha ang kailangan niyang pera at baka higit pa.
Sumama naman siya at dinala nga siya sa isang five star hotel na may casino pa. Roon ipinakilala siya ng kaibigan niya sa isang Japanese national na pumayag namang ibibigay sa kanya ang kailangan niyang pera. Nag-inuman sila, at nalasing siya. Dahil nalasing hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nang magising siya kinabukasan at saka na lang niya nalaman ang lahat. Wala na ang Japanese pero iniwan naman sa tabi niya ang napag-usapan nilang halaga pero habang lasing pala siya, “ginawa siyang babae” ng Japanese.
Nilaspag siya. Pinagsisihan niya ang nangyari sa kanya pero ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Nagtiwala siya at pumayag siya, nang hindi malinaw kung ano ang ipagagawa sa kanya. Ayon ang nangyari. Hindi siya makaupo nang diretso ng isang linggo rin.